Sa pagsusulat naman ng children’s book ibinubuhos ni Anne Curtis ang kanyang panahon ngayon. Napakagandang pagkakataon para sa sikat na Kapamilya actress ang makagawa ng project para sa United Nations Children’s Foundation na nangangalaga para sa kapakanan ng mga bata sa buong mundo. ‘Yan ay kahit wala pa siyang anak ha.
Isa itong magandang gawain na ikararangal para sa kanya ng bansa. Mabuhay ka, Anne!
Mga nagra-rally dapat ipagbawal sa maraming tao
Talagang napakalaking abala ang naging resulta sa pagpayag ng mga kinauukulan sa pag-isyu ng permit, hindi lamang sa Iglesia Ni Cristo (INC) kundi sa lahat ng mga nagpapahayag ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
Next time, payagan lamang sana nilang magdaos ng rally sa mga lugar na pinakakaunti ang maaapektuhan. At sana sa sususunod, maging regulasyon sa mga raliyista ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga lugar na pinagsasama-samahan nila.
Robin at Mariel nahihirapang maka-recover
Hindi nakapagtataka kung mahihirapang makarekober ang mag-asawang Robin Padillla at Mariel Rodriguez sa pagkawala muli ng kanila sanang magiging mga supling. Napakalaking bagay ‘yun na mahirap nga naman nilang makalimutan, lalo’t baka mahirapan na muling magbuntis si Mariel.
Tama lang na huwag muna silang umuwi at magbiyahe na lang muna para sa healing process nila.