Ryan agoncillo at Doug Kramer kabilang sa bagong Dove Men Plus council

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Dove Men+Care noong nakaraan August 12 ang Plus Marks The Spot event para i-launch ang bago nilang hair products at para na rin i-introduce ang “new kind of man”. Ilan sa mga dumalo sa nasabing launch ang strong at caring men tulad nina Mon Gonzalez with wife Tweetie, Chucho Martinez and wife Mikaela, Patrick Garcia and wife Nikka, Jim Bacarro and wife Saab, and Patrick Garcia and wife Nikka.

Kasabay nito ay ipinakilala na rin ang pinakabagong #DoveMenPlus council na sina:

Ryan Agoncillo: Host + Faithful Husband and Father; Doug Kramer: PBA Player + Devoted fa­mily man; JC Intal: Athlete + Soon-To-Be Father; Nico Bolzico: Businessman + Cheesy Husband-To-Be; Mark Agas: Model + Caring Doctor; Luke Landrigan: Surfer School Owner + Selfless Father; Chappy Callanta: Strength and Conditioning Specialist + Loving Father; James Deakin: Motoring Journalist + Social Servant.

Sa tulong ng kanilang pilosopiyang Real Beauty through Real Care, layunin ng Dove ang magpakilala ng makabagong ganda na malayo sa nakasana­yan na ng mga kababaihan, naging tulong ito para ma-realize nila kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng natural na ganda na mapag-aruga.

Ngayong taon, nag-expand ng panibagong division ang Dove kung saan mga kalalakihan naman ang bibigyang-pansin nila. Hangad ng Dove na walang masama kung ang bawat lalaki ay mag-aaruga sa kanilang sarili.

Show comments