Produ ng Heneral Luna, susugalan din sina Gregorio del Pilar at Manuel Quezon

Kakaiba ang nangyari sa press­con ng Heneral Luna dahil sinimulan ang presscon sa pag­kanta ng buong cast, production people, at press people ng Lu­pang Hinirang. Bumagay sa historial action epic genre ng pelikula ang suggestion ni John Arcilla na simulan ang presscon sa pagkanta ng lahat ng Pambansang Awit.

Gandang-ganda ang mga nakapanood na sa Heneral Luna at ang husay daw ni John sa role ni Gen. Antonio Luna. Lalaban daw ito sa pagka-best actor next year.

Mula ito sa direction ni Jerrold Tarog na iniwa­sang ma-focus ang Heneral Luna sa hero glorifi­cation at hindi magmukhang his­tory lesson, at ipinakitang toto­ong tao si Gen. Luna para mas ma­daling maka-relate ang tao. “Inilagay namin si Gen. Luna sa level ng ordinaryong tao,” sabi ni direk Jerrold.

Samantala, inamin ng mga producer ng Artikulo Uno Productions na hindi pa nila nababawi ang malaking production cost ng Bonifacio, pero hindi naging daan ‘yun para tumigil sila sa pagpoproduce ng mga pelikulang tungkol sa ating mga bayani.

Para hindi matulad sa Bonifacio ang Heneral Luna, magbibigay ng 50 percent discount ang Artikulo Uno Productions sa students para mas marami ang manood. Kailangan lang nilang magpakita ng valid school ID ‘pag bumili ng tiket sa SM Cinemas, Ayala Mall Cinemas, at Robinsons Movieworld. Ito rin ang rason kung bakit hindi isinali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula.

Showing ang Heneral Luna sa September 9 at sa Sept. 6, sa Cinema 8 & 9 ng SM Megamall. May global premiere rin ang movie sa August 31, sa New York, Wa­shington D.C., Los Angeles, San Francisco, at Dubai.

Pagkatapos nga ng Heneral Luna, ang Gregorio del Pilar ang kanilang isusunod na pagbibidahan ni Paulo Ave­lino. Nabanggit din ang biopic ni Manuel Quezon.

AlDub ‘di pa sure sa Vic-AiAi movie

Totoo palang kinukuha ng Cosmopo­litan magazine si Alden Richards para rumampa sa Cosmo Bash sa September 5, pero as of yesterday, hindi makakasama ang aktor sa mga rarampa. Dahil bukod sa late na ang imbitasyon ng Cosmo, may nauna nang schedule sa nasabing petsa si Alden.

Nakalulula na ang schedule ni Alden at halos araw-araw ay may trabaho at madaragdagan pa ito ‘pag natuloy sila ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa MMFF entry nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Sa meeting ng mga producer, tiniyak na kasama na sila, pero may lumutang na baka hindi sila matuloy dahil sa kanilang busy schedule.

Julie Anne mas epektib na palaban

Ni-launch noong August 25 si Julie Anne San Jose bilang official at pinakabagong Celebrity Advocate for Children ng World Vision, isang international child-focused non-government organization.

Mas magiging involved ang GMAAC star sa maraming charity at community outreach efforts lalo na ang nagpo-promote ng children’s rights, well-being at education.

 Samantala, ini-release na online ang newest single ni Julie Anne na Not Impressed na ibang-iba sa mga naunang hit songs niya. Marami na ang nag-aabang sa music video ng single kung saan, nagpaka-edgy at medyo sexy si Julie Anne.

Napapanood din siya sa Buena Familia at makikipagtarayan kay Aicelle Santos. Gusto ng fans ni Julie Anne ang palaban niyang karakter para maiba sa mga ginampanan na niya dati.

Show comments