Alice nawalan ng anak!
MANILA, Philippines - Ibang Alice Dixon ang nasaksihan ng mga manonood sa episode kagabi ng Kapuso primetime series na MariMar kung saan ginagampanan niya ang karakter bilang si Mia.
Bagamat nabanggit ng aktres sa isang panayam na, “It’s been more than 6 months since gumawa ako ng drama,” punung-puno ng emosyon ang ipinakita ng aktres sa eksena kung saan nawala ang anak ni Mia na si Bella. Mapa-comedy o drama, talaga namang wala pa ring kupas ang galing ng aktres.
Samantala ngayong linggo sa MariMar, napunta na nga si Marimar sa mag-asawang Cruz (Nova Villa) at Pancho (Tommy Abuel). Bagamat nalaman na niyang ampon siya, mananatili pa rin ang pagiging positibo at masayahin ni Marimar lalo na’t katuwang na niya si Fulgoso.
Mapapanood ang Mari Mar gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
- Latest