JM major comeback ang All of Me

MANILA, Philippines – Dagdag sa Kapamilya Gold block ang pina­kabagong obra maestrang pantelebisyon ng ABS-CBN na All of Me, ang romantic drama teleserye na hahamon sa oras para sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig simula ngayong Lunes (Agosto 31).

Umiikot ang kwento ng All of Me kay Manuel (Albert Martinez), isang 50-year-old na doktor na hahamunin ang oras para lamang ipaglaban ang kanyang pangalawang pagkakataon sa pag-ibig nang maging binata muli.

Ang All of Me rin ang major TV comeback ni JM de Guzman matapos ang kanyang breakthrough film na That Thing Called Tadhana.

Kasama ni JM sa bagong Kapamilya Gold teleserye sina veteran actor Albert Martinez, Kapamilya hunk actor Aaron Villaflor, at rising young actress Yen Santos na gaganap sa kanyang unang daring role bilang love interest ni JM.

Susundan ng teleserye ang buhay ni Manuel (Albert Martinez), isang doktor na iiwan ang kanyang masiglang karera at maninirahan sa isang isla matapos mamatay ang kanyang asawa. Sa isla niya makikilala si Lena (Yen Santos), isang dalagang muling magbibigay kulay sa kanyang buhay na mauuwi sa matamis na pag-iibigan.

Ngunit sa gabi ng kanilang honeymoon sa isla, isang hired killer ang magtatangka sa buhay ni Ma­nuel, pero matatakasan niya ang kamatayan at mapapadpad sa isang magic portal na magiging tulay sa pagbabalik binata niya. Ngayon, isang binatang Ma­nuel (JM de Guzman) na matutuklasan na tumakbo na ang oras ang haharap sa bagong hamon sa kanyang buhay – ang maghiganti at muling paibigin si Lena na isang maybahay na ng kanyang protégé na si Dr. Henry Nieves (Aaron Villaflor) o kalimutan ang mga masayang alaala nila ni Lena.

Ano ang handang kayang ibigay ni Manuel para ang nakaraan ay maging kasalukuyan?

Mula sa direksyon ni Dondon Santos, ang All of Me ang dramang hahamunin ang lahat pati ang oras para sa pag-ibig.

Tampok din sa inaabangang teleserye sina Angel Aquino, Ina Raymundo, Neri Naig, Ana Capri, Micah Muñoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.

Show comments