Lovi bumait kay Rocco
Hindi naman siguro magtatampo ang writers at directors ng mga naunang teleserye ni Lovi Poe sa inamin nitong kung dati, Legacy ang favorite soap na nagawa niya, ngayon ay Beautiful Strangers na.
“I’ve done lot of shows in GMA 7, pero iba ang Beautiful Strangers. Ang ganda ng story, ang bilis ng pacing at laging may pasabog at para bang magtatapos na. Kahit mahirap, it’s fun doing it,” sabi ni Lovi.
Sa mga eksena niya bilang taong-grasa, puso at kaluluwa ang ibinigay niya. Binuksan niya ang masasakit na nangyari sa buhay niya para gamiting motivation at magawa ang madrama niyang eksena.
Ikatutuwa naman ni Rocco Nacino ang nabanggit ni Lovi na good influence sa kanya ang boyfriend. Kung dati party girl siya, ngayon ay hindi na at mas in-enjoy ang dinner with her family, friends, at siyempre si Rocco.
Isa rin si Rocco sa naka-influence sa kanya na mag-business at proud co-owner siya ng Cable Car Bar & Resto sa The Fort at ang bubuksang second branch sa Ortigas Center.
Carla pinagdiinan ang paghanga kay Tom
Suportado ni Carla Abellana si Tom Rodriguez at ang MariMar noong Monday, nag-post ito ng publicity photo ng aktor from the said serye at sinundan ng mahabang caption.
“Isa akong tagahanga ni @akosimangtomas. Mula pa noong una ko siyang makatrabaho sa My Husband’s Lover at hanggang ngayon, ginugulat pa rin niya ako sa kakayahan niya sa pag-arte, sa kanyang talino, kabutihang loob, at lalo na sa kanyang napakaraming talento.
“Sa loob ng mahigit tatlong taon na ako’y masuwerteng naging kalahati ng tambalang TomCar, naiparamdam niya sa akin kung paano niya kamahal ang trabaho niya at kung ano ang kaya niyang isakripisyo mapasaya lang ang mga manonood. Iba itong taong to, lagi kong sinasabi. Bakit? Dahil hindi niya alam kung gaano siya kahusay sa trabaho niya at kailanman hindi maniniwalang magaling siya.
“Kaya sa bago niyang karakter na gagampanan bilang Sergio sa MariMar, sigurado akong marami pa siyang gugulatin at pasasayahin. Alam ko ito dahil nakita ko mismo kung gaano niya pinaghirapan ang paghahanda niya dito. Umpisa lang ‘yun.
“Kaya naman uulitin ko. Isa akong tagahanga ni @akosimangtomas. At bilang isang tunay na tagahanga, ibibigay ko ang buong suporta ko sa kanya, ano man ang karakter niya at sino man ang makasama niya,” sabi ni Carla.
Ikinagulat ni Carla ang nalamang umiyak si Tom habang ini-interview namin sa presscon ng MariMar dahil naalala ang panahong wala siyang trabaho at walang pera. Tuwang-tuwa na siya ‘pag nakakatanggap ng 5K check na kulang na kulang pa rin sa needs niya. Sobrang naawa kay Tom ang sister niya nang bisitahin siya rito at gusto siyang pabalikin sa Amerika.
Pero nag-stay si Tom, nagtiyaga, at nakilala ang manager na si Popoy Caritativo na kanyang pinasasalamatan. Maayos na ang buhay niya ngayon, nakabili ng bagong kotse at nakalipat na sa bigger condo unit, may soap at movie pa.
Samantala, sa October 24 na ang showing ng No Boyfriend Since Birth nina Carla, Tom, at Mike Tan under Regal Films sa direction ni Joey Reyes.
Richard at Michael V nakiisa sa pagluluksa sa pagpatay kay Pamana
Kabilang sila Richard Gomez at Michael V sa nananawagan na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Pamana, ang 3-year-old Philippine eagle na binaril at namatay.
Sabi ni Richard sa Instagram (IG): “Help bring Pamana’s killers to justice. I’m taking the challenge @juliusbabao it’s your turn to spread the word.”
Si Michael V, ginawan pa ng sketch si Pamana na pinost sa IG at ginamitan ng hashtag na @PaalamPamana. May sundot na kurot ang caption ni Michael V na “Mahal ko ang bayan at ang lahi ko. May pamanang kulturang maipagmamalaki mo. Nguni’t may pagkakataon na katulad nito, NAHIHIYA akong maging PILIPINO.”
Nag-comment si Ryan Agoncillo sa IG ni Michael V ng “Masakit to men” na sinagot ni Michael V ng “Di nga ‘ko maka-get over. Bwisit talaga e”
- Latest