Nagkakagulo ang AlDub fans nina Alden Richards at Yaya Dub sa balitang papasok sa Kalyeserye ng Eat Bulaga si Derrick Monasterio bilang third wheel. Nagrereklamo ang fans dahil hindi pa nga raw nagkikita sina Alden at Yaya Dub, may bago na namang kontrabida sa parte ni Yaya Dub.
Nagtanung-tanong kami at sabi ng kampo ni Derrick, as of last Monday, walang kumakausap sa kanila at kay Derrick para sa Kalyeserye. So as of today, not true ang kumalat na balita.
Careful din ang kampo ni Derrick sakaling papasok ito sa Kalyeserye dahil alam na kontrabida ang magiging dating ni Derrick sa Aldub fans.
Hihintayin na lang ni Derrick ang teleseryeng gagawin sa GMA 7 at magsisimula na nga siyang mag-acting workshop. Bukod sa acting workshop, may voice lesson din si Derrick dahil magre-record na ito ng album sa GMA Records.
May gagawin din siyang pelikula sa Regal Entertainment kaya dumalo ito sa birthday party ni Mother Lily at anniversary ng Regal, dahil magiging Regal baby na siya.
Pinag-uusapan na rin daw kung sino ang ipapareha sa aktor sa gagawing soap at may mga request na ‘wag na kay Bea Binene siya itambal dahil love interest na niya ang aktres sa Vampire ang Daddy Ko. Subukan daw itambal si Derrick kay Kylie Padilla at sa iba pang Kapuso leading ladies para may mabuong ibang love team ang Kapuso network.
The Half Sisters extended pa hanggang Oktubre?!
Hanggang September 7 na lang daw ang The Half Sisters, pero wala pang balita kung anong show ang ipapalit sa hit Afternoon Prime. Kaya parang totoo ang tsikang hanggang October pa ang airing ng soap at kung pakikinggan ng GMA 7 ang hirit ng cast na paabutin na lang hanggang December ang soap, baka matagal pa itong umere.
Ang una naming narinig na ipapalit sa The Half Sisters ay ang soap na muling pagtatambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na may pamagat na Maybe This Time. Kaya lang, parang hindi pa sila nagsisimulang mag-taping.
May nagsabi namang soap na pagsasamahan nina Alessandra de Rossi at Camille Prats, pero gaya sa Maybe This Time, parang wala pang taping gayung malapit na ang Sept. 7.
Ang alam naming magpa-pilot sa September 7 ay ang Destiny Rose na pagbibidahan ni Ken Chan na gaganap na transwoman at papalit sa Healing Hearts.
Ate ni Mona Louise pasok sa Top 35 ng SS6
Nag-pictorial uli kahapon ang hosts at judges ng StarStruck 6 na kinabibilangan nina Joey de Leon, Jennylyn Mercado, at Regine Velasquez. Kasama rin daw sa judge si Dingdong Dantes, kaya hindi lang siya host, isa rin sa judge.
Ginagawa na rin ang stage na gagamitin ng SS6 sa supervision ni Rico Gutierrez na siya ring magdidirek ng artista reality search ng GMA 7. Malaki ang stage at kakasya ang Top 35 hopefuls na ihaharap sa press people sa presscon at malapit na ang presscon dahil September 7 daw magsisimula ang airing ng SS6.
Kasama sa Top 35 hopefuls ang elder sister ni Mona Louise Rey, pero parang hindi kasama sa hopefuls ang mga anak ng artistang nakita namin sa website ng SS6.