MANILA, Philippines – Nag-No. 1 trending kahapon sa Twitter ang hashtag na JusticeforTeamSarah.
Nagrereklamo kasi ang popsters dahil parehong laglag sa Top 4 ng The Voice Kids ang dalawang alaga ni Sarah Geronimo na sina Zephanie Dimaranan and Kyle Echarri.
Emote ng fans, paano nangyari ‘yun eh nag-effort silang bumoto. Panay din ang upload nila ng mga ebidensiya ng text nila pero ang iba wala raw confirmation na ang duda nila ay sinadya raw.
Naalala pa nila ang sinabi sa presscon ng The Voice Kids bago ginanap ang finals na puwedeng magkaroon ng team na walang mini-mentor sa Final 4. Ito na raw ba ‘yun?
Ito kasi ang unang pagkakataon na walang member ng Team Sarah ang nakapasok sa finals.
Pero kahit walang nakasama sa kanyang dalawang alaga, nagpasalamat pa rin si Sarah sa fans sa pamamagitan ng Twitter.
“Salamat po sa sumusuporta sa #TeamSarah! Zephanie and Kyle, thank you for inspiring us. God bless you both. May the most deserving kid win,” mensahe niya.
May dialogue pa si Sarah na “Don’t be sad. Ganyan talaga,” sa isang video na ini-upload ng fans.
At talagang ayaw paawat ng fans. Marami na silang iba’t ibang analysis at tinatanong kung saan napunta ang boto nila.
Laging galing sa Team Sarah ang mga nakaraang grand winner sa rami ng fans ng Pop Superstar.
Anyway, matapos ang ilang linggong matinding patalbugan, dineklarang Top 4 young artists sina Reynan at Esang ng Team Lea (Salonga) at sina Elha at Sassa ng Team Bamboo para pumasok sa inaabangang grand finals ng top-rating at Twitter-trending na The Voice Kids Season 2.
Nanguna sa botohan si Reynan na nakakuha ng 32.98% ng mga boto, habang pumangalawa naman si Esang na may 19.24%. Kinumpleto naman nina Elha (18.23%) at Sassa (13.71%) ang Top 4 matapos magpasiklab sa kani-kanilang performances.
Sa darating na weekend (Agosto 29 at 30), maglalaban-laban sa huling pagkakataon sina Reynan, Esang, Elha, at Sassa para muling ligawan ang publikong bumoto sa kanila para tanghalin bilang ang ikalawang The Voice Kids grand champion, na magwawagi ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, house and lot na nagkakahalagang P2 milyon - P1 milyon cash, at P1 milyong trust fund.
Masama ang loob Martin hindi na nagre-rehearse sa ASAP
Apektado nga ba si Martin Nievera sa pagbabago ng format ng ASAP?
Last Saturday night ay nagpahayag ng observation si Martin sa kanyang Twitter account.
“What has happened to the noon time shows on Sunday ????” sabi ni Martin na agad ikina-react ng kanyang followers.
May nagsabi na ‘yun ang trend at may nagpakalma naman sa Concert King.
Hindi naman nagtagal ay may follow up statement siya :
“Everyone relax pls! Asap has been there for 20 years. There is always room for experiment & competition. Let the games begin. Fear not all!,” sabi niya na obviously ay patungkol sa pagdadagdag ng segment sa kanyang kinabibilangang programa.
Nakakatatlong Linggo na mula nang magdagdag ng bagong segment ang ASAP na ang isyu ay tinatapatan daw kasi nito ang bagong programang Sunday PinaSaya kaya kabilang si Martin sa nabawasan ng spot number sa musical variety show ng ABS-CBN na 20 years na.
Actually, hindi ito ang first time na nag-emote si Martin. Noon pa sinasabi na niyang hindi na siya nagre-rehearse dahil iisa lang naman ang song number niya sa sinimulan nilang programa.
So ano nga kayang magiging epekto nito sa pagiging ASAP member ni Martin?