Luis ayaw pa rin tantanan kung kailan pakakasalan si Angel

Mukhang tahimik na si Luis Manzano sa kanyang political plan dahil hindi na nito nababanggit ang planong pagtakbo sa pagka-mayor ng Lipa City o ‘di kaya bilang bise-gobernador ng Batangas.

Maganda ang takbo ng showbiz career ngayon ni Luis, so why rock the boat?

Still on Luis, ayaw pa rin talaga siyang tantanan ng mga showbiz writer na may kinalaman sa kanila ng kasintahang si Angel Locsin at kung kailan nila planong pakasal.

Madalas sabihin ni Luis ang “soon” pero hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ang lahat including his estranged parents na sina Batangas Gov. Vilma Santos at Edu Manzano na clueless sa kanyang mga plano.

Parehong busy ang dalawa at kasalukuyang ginagawa ni Angel ang pinakabagong movie nito sa bakuran ng Star Cinena kung saan niya katrabaho for the very first time si Gov. Vilma Santos kasama si Xian Lim mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Pagkatapos nito ay saka marahil sisimulan ni Angel ang movie remake ng Darna na co-production ng Star Cinema at Reality Entertainment at nakatakdang idirek ni Erik Matti.

Luis for his part, hosts The Voice Kids, Kapamilya: Deal or No Deal, at ASAP.

Rafa gustong kumawala sa anino ng kanyang Lola Armida

Hindi matatawaran ang showbiz lineage ng actor na si Rafa Siguion-Reyna. Siya’y apo ng veteran singer-actress na si Armida Siguion-Reyna at anak nina Direk Carlitos Siguion-Reyna at actress-screenwriter na si Bibeth Orteza. Pinsan din niya ang singer-stage actress na si Cris Villongco.

Pero sa halip na magpa-pressure sa expectation sa kanya ng publiko, gusto ni Rafa na i-prove sa lahat ang kanyang sariling kakayahan dahil gusto niyang makilala siya sa sarili niyang merito at hindi dahil sa kanyang lola, celebrity parents and cousin.

In fairness to Rafa, unti-unti na rin naman siyang nakakagawa ng sarili niyang pangalan na hindi umaasa sa kanyang mga magulang.

Alden at Maine aminadong hindi alam kung saan tutungo ang kanilang tambalan

Isa man si Alden Richards sa mga fast rising star ng Kapuso Network, he has to admit na sa Eat Bulaga umalagwa nang husto ang kanyang pa­ngalan dahil sa pagtangkilik ng publiko sa kanilang “accidental loveteam” ni Maine Mendoza na mas kilala ngayon ng publiko bilang si Yaya Dub.

Hindi rin alam nina Alden at Maine kung saan dadalhin ang kanilang kasikatan ngayon pero nagpapasalamat sila nang husto sa kanilang fans lalung-lalo na sa Eat Bulaga na siyang nagbigay sa kanila ng break.

Since parehong contracts stars ng APT Entertainment sina Alden at Maine, malamang na matuloy na ang launching movie ng dalawa sa malapit na hinaharap. Malamang na ito’y simulan pagkatapos ng MMFF movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na Romcom-in Mo Ako.

Show comments