Touched na touched si Megan Young sa promo guesting nila kahapon ni Tom Rodriguez sa Sunday PinaSaya dahil sa sorpresa ni Marian Rivera na nag-wish sa kanya ng good luck at binigyan siya ng bulaklak.
Malaking bagay para kay Megan ang ginawa ni Marian, ang unang Pinay na nagbigay-buhay sa karakter ni MariMar noong 2007.
Off cam, napaluha si Megan dahil sa mga sinabi sa kanya ni Marian na sinusuportahan ang pagganap niya bilang MariMar, ang primetime teleserye ng GMA 7 na mag-uumpisa ngayong gabi.
May-I-share ni Megan sa social media followers niya ang litrato nila ni Marian na kuha sa backstage ng Sunday PinaSaya at may caption na “Thank you so much Ate Yan for the kind gesture. I am trying to hide my crying face (kasi mukha akong baby pag umiiyak HAHAHAHA)!
“You are truly a woman beautiful inside and out. I will always keep in mind our little convo right before we got off the stage hehe! Love you and congrats to you and Kuya Dong with your baby.”
Megan mas kinabahan sa MariMar kesa sa Miss World?!
Ang MariMar ang nagpasikat at nagpaingay sa name ni Marian.
Marami ang naghihintay sa bagong MariMar dahil titingnan nila kung uulitin o madu-duplicate ni Megan ang success ng teleserye na pinagbidahan noon ni Marian.
Normal na makaramdam ng pressure si Megan dahil alam nito na successful ang unang Filipino version ng MariMar.
Baka nga mas matindi ang pressure sa kanya ng MariMar kesa noong mag-join siya sa Miss World Philippines.
Wally at Jose malabong maging biktima ng over exposure
In fairness, nakakatawa talaga ang Sunday PinaSaya dahil magagaling talaga sa pagpapatawa sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Joey Paras at ang mga kasama nila na hindi naman mga komedyante.
Sobrang entertaining ng show kaya hindi mo mamamalayan ang oras. Sa rami ng problema ng Pilipinas, malaking tulong ang Sunday PinaSaya para lumigaya, kahit sandali, ang mga kababayan natin na gusto lang matawa at maaliw.
Malabo na maging biktima ng over exposure sina Wally Bayola at Jose Manalo dahil iba’t-iba naman ang mga karakter nila sa Sunday PinaSaya at Eat Bulaga.
OA na character actor, gustong sapawan ang bida
Pinagtatawanan ng kanyang co-stars ang character actor na emote na emote sa mga eksena nila, kahit hindi siya ang tinututukan ng mga TV camera.
Aktor na aktor ang pakiramdam ng character actor na trying hard ang pag-arte dahil sa kagustuhan niya na mapansin ng televiewers.
Nangyari naman ang ilusyon ng character actor dahil napuna ng manonood na overacting siya at maraming pagkakataon na sinasapawan niya ang mga kasama sa eksena, pati ang bidang aktor.
Pinagbibigyan ang character actor sa kanyang ilusyon at mga ginagawa dahil mahusay siya na makisama. Paborito nga siya ng direktor ng teleserye kaya never na nawalan ng mga project ang OA na character actor.
Kakanta ng theme song ng Felix Manalo hindi pa puwedeng ibunyag
Knows ko na kung sino ang kakanta ng theme song ng Felix Manalo, ang epic movie ng Viva Films.
Pero hindi ko pa puwedeng sabihin ang name ng singer. Basta sikat siya at talagang maganda ang boses.
Sooner or later, tiyak na may announcement ang Viva Films tungkol sa identity ng singer na napili para kumanta sa theme song ng filmbio ni Ka Felix Manalo. Wait na lang tayo sa big announcement ng mga bossing ng Viva Films.