Nakakahinayang na mauuwi lamang yata sa wala ang magandang samahan nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Kung hindi man natuloy ang romansa nila, they could have remained as friends. Tsk. Tsk. Tsk. Tila nagsimula at natapos ang kanilang romansa sa naudlot nilang ligawan. O bakit kayo hindi manghihinayang niyan? Pati movie nila nadamay. Hindi ba sila pwedeng maging propesiyonal man lamang?
Erap mas lamang ang suporta kay Sen. Grace
Nakapagtataka ba kung suportahan ni Mayor Erap Estrada si Sen. Grace Poe sa eleksiyon? Eh, anak ni FPJ si Grace na inaanak naman ni Erap. Anumang bonding meron sila ni VP Binay, hindi ito kasing close ng naging friendship nila ni FPJ. Kaya huwag n’yo nang alamin kung nasaan ang loyalty ni Erap dahil alam na yun ng lahat.
Derrick puwede nang pakawalan, ‘di halos makilala sa laki ng katawan
Isa si Derrick Mosnasterio na pwede nang ilunsad into stardom ng Kapuso Network. Artistahin ito, matangkad, marunong umarte at kumanta. Pero, pinaka-mahalagang katangian niya ay maganda ang PR. Hindi ko siya halos makilala dahil ang laki ng iginanda ng katawan niya. Bagay sa height niya. Bigyan n’yo na siya ng projects bago pa siya mainip at lumipat!