^

PSN Showbiz

Kris at Bistek, malabo nang magkatuluyan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakakahinayang na mauuwi lamang yata sa wala ang magandang samahan nina Kris Aquino at Ma­yor Herbert Bautista. Kung hindi man natuloy ang romansa nila, they could have remained as friends. Tsk. Tsk. Tsk. Tila nagsimula at natapos ang kanilang ro­mansa sa naudlot nilang ligawan. O bakit kayo hindi mang­hihinayang niyan? Pati movie nila nadamay. Hindi ba sila pwedeng maging propesiyonal man lamang?

Erap mas lamang ang suporta kay Sen. Grace

Nakapagtataka ba kung suportahan ni M­­­­­a­y­o­­­r Erap Estrada si Sen. Grace Poe sa eleksiyon? Eh, anak ni FPJ si Grace na inaanak naman ni Erap. Anumang bonding meron sila ni VP Binay, hindi ito kasing close ng naging friendship nila ni FPJ. Kaya huwag n’yo nang alamin kung nasaan ang loyalty ni Erap dahil alam na yun ng lahat.

Derrick puwede nang pakawalan, ‘di halos makilala sa laki ng katawan

Isa si Derrick Mo­snasterio na pwede nang ilun­sad into stardom ng Kapuso Network. Artistahin ito, matangkad, marunong umarte at kumanta. Pero, pina­ka-mahalagang katangian niya ay maganda ang PR. Hindi ko siya halos makilala dahil ang laki ng iginanda ng katawan niya. Bagay sa height niya. Bigyan n’yo na siya ng projects bago pa siya mainip at lumipat!

vuukle comment

ACIRC

ANG

DERRICK MO

ERAP

ERAP ESTRADA

GRACE POE

HERBERT BAUTISTA

KAPUSO NETWORK

KRIS AQUINO

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with