Felix Manalo 100 halos ang artista

Hanggang sa pagtanda ni Dennis Trillo ay hin­ding-hindi niya makakalimutan ang Felix Manalo epic biofilm na kanyang pinagbidahan.

Sa dinami-dami nga naman ng magagaling na actor ng bansa, Dennis was the final choice para gampanan ang papel ng founder at punong ministro ng Iglesia ni Cristo na si Ka Felix Manalo, the biggest local film ever-produced with Viva Films for Iglesia ni Cristo’s centennial celebration.

Sa simula pa lamang ng presscon ay ayaw i-divulge ng Viva top executive na si Vincent del Rosario kung magkano ang inabot ang filming ng  Felix Manalo pero nagbago ang isip nito at inamin na ina­bot ng P150-M with more than 100 stars joining the cast at pawang mga-de kalibre at award-winning.

Kung masuwerte si Dennis na siya ang napisil to portray the title role of Ka Felix Manalo, napakasu­werte rin ng dating Kapuso actress na si Bella Padilla dahil sa kanya naman ipinagkatiwala ang role ni Honorata, ang maybahay ni Ka Felix.

Si  Bela ay nasa panga­ngalaga na nga­yon ng Viva Films at isa na rin siyang Kapamilya star ngayon.

Anak ni Sen. Grace, adjusted na sa pulitika

Bilang anak, hindi ikinakaila ng pa­nganay na anak ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na si Brian Poe Llamanzares na nasasaktan din siya sa mga batikos sa kanyang ina.

Matatag at matapang si Sen. Grace Poe kaya natutuwa si Brian na hindi basta-bastang maitutumba ninuman ang kanyang ina na ang pangarap lamang ay magtrabaho ng matapat at maglingkod sa bayan.

At an early age ay na-expose si Brian sa lara­ngan ng pulitika nang tumakbo sa pagka-pangulo ang kanyang yumaong lolo na si Fernando Poe, Jr. in 2004.  Ito’y nasundan nang kumandidato naman sa pagka-senador ang kanyang ina in 2013.

All out ang magiging suporta ni Brian sa kanyang ina sakali mang naisin nitong tumakbo sa mas mataas na posisyon.

While he is proud of his mother’s achievements, ipinagmamalaki rin niya na siya’y anak nito.

Back in the US kung saan sila namirmihan sa loob ng ilang taon, nakita ni Brian kung gaano ka-dedicated ang kanyang ina sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho.

Si Brian ay naging nobyo ng ex-PBB grand winner na si Mertyle Sarroza.

Lauren hindi ginaya ang pagiging malihim ng kanyang ate Megan

Natutuwa ang nakababatang kapatid ni Megan Young na si Lauren Young na sa kanyang ate (Megan) ipinagkatiwala ng GMA-7 ang ikalawang local remake ng hit Mexican telenovela na MariMar na magsisimulang mapanood bukas, Lunes, August 24 sa primetime.

Kahit kontrabida ang role ni Lauren sa MariMar, natutuwa siya dahil first time nilang nagkasama ng kanyang kapatid sa isang proyekto at siya pa ang gumaganap na kontrabida nito.

Kung si Megan ay hindi open pagdating sa kanyang lovelife, kakaiba naman si Lauren na ang boyfriend ngayon ay non-showbiz, si Robbie Garcia.

Masaya si Lauren dahil hindi na siya naba-bash ngayon unlike noong sila pa ni Elmo Magalona na ang bagong kasintahan ngayon ay si Janine Gutierrez.

Show comments