Binasag na rin ng Movie Queen na si Susan Roces ang kanyang katahimikan na may kinalaman sa walang hintong paninira sa kanyang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares na masyado nang nagiging personal.
Nang i-replay sa DZMM ng radio and TV anchor na si Ted Failon ang mga binitawang salita ni Susan, bato na lamang ang iyong puso kung hindi ka maaantig sa kanyang mga sinabi.
Hindi man sina Susan at Fernando Poe, Jr. ang biological parents ni Sen. Grace, inaruga, pinalaki, at pinapag-aral nila ng kanyang mister ang lady senator higit pa sa isang tunay na anak kaya wala umanong karapatan ang ibang tao na sirain, durugin, at husgahan ang kanilang anak.
Masakit para kay Susan ang ginagawang pangbu-bully ng mga detractor sa pulitika ng kanyang anak na hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig sa magiging pinal na desisyon nitong pagtakbo sa panguluhan.
Well-loved sina FPJ at Susan hindi lamang ng mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino kundi ng buong publiko na nakasubaybay din kung paano nila pinalaki ang anak nilang si Sen.Grace na kilala rin sa pagiging simple at humble sa kabila ng estado ng kanyang mga magulang.
Kung buhay pa si FPJ, hindi ito papayag na lait-laitin o yurakan ang pagkatao ni Sen. Grace Poe dahil para itong babasaging kristal na inalagaan nila ng kanyang misis ni Swanie (Susan Roces).
Ganunpaman, malaki rin ang advantage kay Sen. Grace ng mga paninira sa kanya dahil lalo lamang siyang napapamahal sa publiko na ang simpatiya ay nasa kanya. Ang mga detractor din ng senadora ang nagtutulak sa kanya na magdesisyon na tumakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.
Carmi kakabugin ang mga mas batang artista sa paseksihan
Kahit golden girl na si Carmi Martin, napakaganda at napakaseksi pa rin nito hanggang ngayon at dadaigin pa nito ang marami sa ating mga female celebrities much younger than her.
Si Carmi ay kasama sa bagong local TV remake ng Mexican telenovela na MariMar na pinagbibidahan ng kauna-unahang Filipina Miss World na si Megan Young with Tom Rodriquez playing the role of Sergio Santibañez.
Nagsimula si Carmi sa kanyang showbiz career in late 70’s or early 80’s nang mapabilang siya sa Dolphy’s Angels ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Dito ay nakasama ni Carmina sina Liz Alindogan, Anna Marie Gutierrez, at Yehleen Catral.
Sa MariMar, Carmi plays the role of Esperanza, pinsan ni Gustavo na ginagampanan naman ng mister ni Carmina Villarroel na si Zoren Legaspi.
Alonzo hindi makakapag-Christmas at New Year sa Amerika dahil sa rami ng trabaho
Gusto sana ng ama ni Alonzo Muhlach na si Niño Muhlach na sa Amerika magpalipas ng Christmas at bagong taon ang kanyang pamilya to be with his mom, ang dating aktres na si Rebecca Rocha na doon na naka-base ganundin ang nakababatang kapatid ni Niño na si Allan. Pero tight ang schedule ni Alonzo kaya malamang na sa Holy Week next year na lamang nila ituloy ang kanyang U.S. vacation.
Tinatapos ni Alonzo sa Viva Films ang Wang Fang movie na pinamamahalaan ng box office director na si Wenn Deramas at agad nitong isusunod ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Beauty and the Bestie na ididirek din ni Wenn Deramas at tatampukan nina Vice Ganda at Coco Martin.
Nakatakda ring simulan ni Alonzo ang isang bagong teleserye na pagtatambalan naman nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Labas pa ang mga ito sa sunud-sunod na product endorsements ng bagets at maging personal appearances.
Hindi rin puwedeng mawala si Alonzo sa Parada ng mga Artista on December 23 para sa pagsisimula ng 2015 MMFF kung saan kalahok ang Beauty and the Bestie na joint venture ng Star Cinema at Viva Films.