Kris pinuri-puri ang pagbabalik-akting ni Claudine

Malaki ang paghanga ni Kris Aquino sa pagiging magaling na aktres ni Claudine Barretto. Magkasama ngayon sina Kris at Claudine sa shooting ng pelikulang Etiquette for Mistresses kaya muling nagkakaeksena ang dalawa. “Napakahusay ni Claudine Barretto and napaka-blessed ko dahil acting with her brings out the best in me.” post ni Kris sa kanyang Instagram account.

Lubos naman ang pasasalamat ni Claudine sa ginawang pagpuri ni Kris sa kanya. “Super na-touch talaga ako. Kasi ang tagal ko nang hindi sumalang and then biglang heavy scenes. So I think we brought out the best sa isa’t isa,” nakangiting bungad ni Claudine.

Nae-enjoy ng aktres ang lahat ng eksenang ginagawa ngayon sa nasabing pelikula kasama pa ang ibang cast. “I so love Kris and I so love everybody, the whole cast, the staff and direk Chito (Roño), scriptwriters and the creative are really, really good. Sana abangan nila, kasi maraming matututunan,” dagdag ni Claudine.

Samantala, digitally-restored na rin ang pelikulang Milan na pinagtambalan nina Claudine at Piolo Pascual noon. Isang malaking karangalan daw para sa aktres na mapili ang kanilang pelikula sa restoration project na ginagawa ng Star Cinema. “We’re really excited and it’s really an honor na mapili ang pelikula mo and ma-restore. Parang first generation ng mga digitally restored and mastered na movies,” pagtatapos ni Claudine.

Jennylyn ibinukong hindi makabasag-pinggan si Sam

Overwhelmed daw si Jennylyn Mercado dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatambal ang Kapamilya actors na sina Sam Milby para sa pelikulang PreNup at JM de Guzman para naman sa pelikulang Walang Forever. “Masaya ako kasi bihira mo silang nakikita ‘di ba? Ako, napapanood ko lang din sila sa TV, ni hindi ko pa nga nakikita sa personal si Sam. Kung hindi pa kami nagkatrabaho sa PreNup eh. Si JM, kababata ko siya, dati siya kay Tita Becky (Aguila, manager ni Jennylyn) pero ang tagal naming hindi nagkita,” kuwento ni Jennylyn.

Humanga ang aktres sa pagiging magaling na artista ni JM sa kanilang ginagawang pelikula. “Talagang medyo napi-pressure ako. Ang galing niyang umarte, sobrang galing. ‘Yun talagang kailangang alam ko ‘yung lines ko. Kasi kung hindi, mapapahiya ako dito. Kailangan ko siyang tapatan,” pagtatapat ng aktres.

Maraming mga bagay naman daw ang nadiskubre ni Jennylyn kay Sam ngayong nagkakilala na ang dalawa. “Si Sam, mabait talaga. Wala akong masabi sa kanya. Napaka-techie niya, nagkakasundo kami do’n. Tapos very understanding siya at saka soft-spoken. ‘Yung alam mong napakabait talagang tao na hindi makabasag-pinggan,” paglalarawan ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments