Julia kambal na pressure ang kapalit sa pagiging prinsesa

Doble-doble ang pressure na nararamdaman ni Julia Montes sa paggawa niya ng bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN na Doble Kara. Bukod kasi sa dala-dalawa ang role na ginagampanan niya rito ay dala-dalawa rin ang kapareha niya na kailangan niyang matulungang maiangat para na rin sa sarili niyang kapakanan.

Hindi bale si Edgar Allan Guzman na napansin nang ito’y lumabas sa Your Face Sounds Familiar (YFSF). At ewan ko kung bakit kay Julia ito naisipang itambal gayong patok na patok ang tambalan nila ni Maxene Magalona.

Kay Anjo Damiles kinakailangang magtuon ng pansin ni Julia dahil talagang baguhan ito at marami ang ngayon lang narinig ang kanyang pangalan kahit napanood na siya sa maraming programa ng Kapamilya.

Para sa kanyang role, bilang kambal na pinaghiwalay ng pagkakataon, kinailangang ibigay ng kanyang ina si Kara sa kanyang ama para matutustusan ang pangangailangan nito sa pagpapagamot ng kanyang sakit.

Ngayong may bago na siyang titulo bilang Royal Princess of Drama, nagbibigay ito sa kanya ng mas mahirap na trabaho dahil kailangan niyang patuna­yan na karapat-dapat siya sa titulo.

Angeline mas gustong mag-concert

Si Maja Salvador ang kumuha ng role na hindi magagawa ni Angeline Quinto sa Ang Probinsyano dahil may conflict ito sa kanyang schedule bilang singer. Kung gaano kalaki ang demand ng Ang Probinsyano sa t­aping, ganun din ang mga commitment ni Angeline sa pagkanta na meron pang schedule sa abroad.

With Maja replacing her, siguro ngayon lang talaga mari-realize ni Angeline kung gaano kalaking role ang pinakawalan niya. Pero may choice ba siya?

Happy naman sina Coco Martin at Maja na magkasamang muli sa isang proyekto. Apat na taon na nang huli silang nagkasama sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Piolo at Claudine pagsasamahin uli?!

Ni-restore pala ang pelikulang Milan na pinagtambalan ni­na Piolo Pascual at Claudine Bar­retto, 11 years ago. Ang pagpapalabas muli ng nasabing movie kung saan kasama rin si Iza Calzado ay inaasahang magiging hudyat ng pagsasamang muli nina Piolo at Claudine sa isang project.

Show comments