Talagang gustung-gusto pa ni Songbird Regine Velasquez na magkaroon ng kahit isa pang anak. At tulad nga ng sinabi niya sa kanyang post, naniniwala siya sa milagro.
Dennis hindi mapipigilan bilang Felix Manalo
Sa kabila ng kontrobersya na kinasasangkutan ngayon ng Iglesia ni Cristo (INC), matutuloy ang pagpapalabas ng kanilang pang-100th anniversary movie na Felix Manalo na idinirek ni Joel Lamangan at nagtatampok sa isang napakalaking cast na pinamumunuan nina Dennis Trillo, Jaclyn Jose, Bela Padilla, Mylene Dizon, Jaime Fabregas, Yul Servo, Ejay Falcon, Roxanne Barcelo, Ricardo Cepeda, Sheryl Cruz, Ryan Eigenmann, Allan Paule, Jay Manalo, Jaime Pebangco, Ping Medina, Alice Dixon, Raymond Bagatsing, Neil Ryan Sese, Phillip Salvador, Boy 2 Quizon, at marami pang iba. Ang Viva ang magri-release ng pelikula.
Gelli may kundisyon bago magbuyangyang ng katawan
Kahit past 40 na si Gelli de Belen, nagawa pa rin nitong mapangalagaan ang kanyang pangangatawan, dahilan para tumanggap siya ng alok na maging cover ng men’s magazine. Siyempre, kahit hindi niya sabihin, proud dito ang Kapatid actress. Mabibilang kasi sa daliri ang bilang ng mga artistang babae na lampas na sa gulang na 40 at may mga malalaki nang anak ang nabibigyan ng alok na mag-pose ng sexy.
Hindi rin naman marahil tututol dito ang asawa niyang si Ariel Rivera dahil tiwala siyang hindi naman basta papayag si Gelli na makunan ng hindi maganda at ganun na lamang. Siyempre, pag-uusapan nila at pagkakasunduan kung sino man ang kukuha sa kanya na hindi malalagay sa alanganin ang kanyang pagiging isang maybahay at ina ng dalawang anak. ‘Yun ang kondisyon niya.
Marian hindi nauubusan ng supply ng bulaklak kay Dingdong
Napaka-sweet naman ni Dingdong Dantes na bigyan ng special birthday treat para sa kanyang birthday si Marian Rivera. At hindi nila isinikreto ang ginawa nilang bakasyon sa Amanpulo para i-celebrate ang 31st birthday ni Marian.
Proud ang mag-asawa to take the trip dahil kasama nila ang kanilang baby. Nung una silang pumunta sa lugar ay dalawa lang sila, pero this time may dagdag nang isa.
Proud si Marian sa pagkakaro’n ng isang very thoughtful and generous husband na walang sawang nagbibigay sa kanya ng fresh na bulaklak, may okasyon man o wala. Bukod sa napakababangong roses, isang kuwintas na perlas ang regalo sa kanya ni Dingdong para sa kanyang kaarawan.