James enjoy sa pagiging ‘househusband’
Gagawa na rin ng isang independent film si James Blanco sa kauna-unahang pagkakataon. Ibang-iba raw ang pananaw ng aktor noon kapag sinabing indie ang isang proyekto. “Ang tingin ko kasi dati sa indie film is bold ‘di ba? So ngayon, parang indie film, excited na ako dahil parang acting na talaga ‘yung ginagawa nila eh,” nakangiting pahayag ni James.
Si Nathalie Heart ang makakatambal ng aktor sa pelikulang Balatkayo at ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa si James ng intimate scenes sa isang pelikula. “First time ko ring gagawa ng kissing scene and bed scene pa yata. Sa movies ko noon, wala naman akong kissing scene lalo na bed scene. Sa TV, wala rin naman kaya bago ito for me,” dagdag ni James.
Matagal nang walang proyekto ang aktor dahil siya raw ang nag-aalaga ng mga anak nila ng asawang modelo. “Kapag wala akong ginagawa nag-aalaga ako ng mga anak ko, tatlo na sila. Househusband ako eh, totoo. Walang joke ‘yon. Kaya nga nag-stop ako noon sa showbiz, after kong magpakasal para matutukan ko ‘yung small businesses ko at family ko. Pero dahil passion ko talaga ang pag-arte, hinahanap ng katawan ko eh kaya bumalik din ako sa showbiz,” pagbabahagi ni James.
Nae-enjoy daw ng aktor ang pagiging househusband dahil nakikita niya ang paglaki ng mga anak. “Kasi mahirap kapag hindi mo sila nakikita habang lumalaki. Kaya kapag wala akong taping, lagi kaming magkasama. Kasi nai-enjoy kong mag-grocery kasama ng mga bata. Nagluluto rin ako, na-try ko ring maglaba pero no’ng bata pa ako” natatawang kuwento ng aktor.
Ruffa go pa rin sa bf, sinuway na si Annabelle
May bulung-bulungan na hindi raw aprubado ni Annabelle Rama ang bagong kasintahan ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal. Para kay Ruffa ay sanay na sanay na raw siya sa ina at wala namang problema tungkol dito. “I’m used to it na eh. I’m just so happy that even if it’s been a lifetime crisis for me since I was a teenager. I’m just so happy for those that stayed. And for those that ran away, okay lang. It means we weren’t meant to be,” bungad ni Ruffa.
Kaya kayang ipaglaban ng aktres ang kasintahan sa ina? “Hindi naman sa pinaglalaban, siguro I’ll just continue living my life the way it is. Hindi naman sa may paglalabanan ako na magpapakasal ako, na magkakaroon ako ng anak or magtatanan kami. Hindi na uso ang gano’n,” sagot ni Ruffa.
“I’m just working and I’m doing everything that is expected of me as a professional and siguro for my mom makikita naman niya in the end that mali ang iniisip niya,” giit pa ng aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest