Ryan Bang naging bading na ang hitsura?!

Ryan

MANILA, Philippines – Bakit kaya mukhang bading na si Ryan Bang? Lately ‘pag nakikita ko siya sa mga programang nilalabasan niya, parang babae na ang hitsura ‘pag nagsayaw at kumembot. Hahaha.

Or baka naman impluwensiya ng kanyang ‘mommy’ na si Vice Ganda kaya parang lumambot na ang galaw niya? Hihihi. Peace!

Janine pumatok sa mga pasaring sa mga kabataan

Tumatak pala sa mga kabataan ang sinabi ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez kamakailan na ‘wala kang karapatan magalit sa pulitiko kung hindi ka naman bumoboto at wala kang karapatang magalit sa mga hindi sumusunod sa batas trapiko kung hindi ka rin sumunod dito.”

Palakpakan daw lahat ng mga kabataang nag-attend sa ginanap na 1st Youth Leading Others (YoLO) Awards na ginanap sa Skydome of SM North EDSA sa nasabing statement ni Janine.

Janine was chosen as one of the youth ambassadors and will be joining young leaders in the country to inspire and be role model to the Filipino youth.

The Kapuso actress feels very honoured and humbled na mapili siya bilang country’s youth ambassadors. “It’s an honour and a challenge to become the new ambassador of NYC. To be considered as a role model for young people is a big challenge for me and I hope that I will be able live up to that challenge. At the same time, I am also an ambassador of what the youth needs today and what they want to achieve in our society. I hope that I can be an example to all young people and I can be their voice in our society.” she adds.

Graduate  siya ng European studies sa A­teneo de Manila kaya hindi nakakatakang may laman ang mga sinasabi niya.

Sagip Kapamilya tumatanggap pa rin ng donasyon

Tumatanggap pa rin pala ng donasyon ang Sagip Kapamilya program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation (ALKFI). Ang pinakahuling nag-ambag sa programa ay nagmula pa sa Orlando, Florida, ang Philippine Nurses Association of South Florida (PNASF). Ang kanilang donasyon ay ipinadala sa tulong ni Councilor Allan T. Panaligan ng District 2. “Pinakiusapan ako ng aking sister-in-law na si Liezl Dagum, na tumatayong President ng PNASF, na dalhin ang cheke sa Sagip Kapamilya,” sabi ni Panaligan nang iabot niya ang tsekeng nagkakahalaga ng higit-kumulang $6,000. Ang tumanggap nito ay sina ABS-CBN Integrated Public Service head Jerry Bennett at Sagip Kapamilya program director Higino Dungo.

Ang PNASF, kasama ang iba pang grupo, ay nagtaguyod ng isang fund-raising activity para sa Yolanda victims sa kanilang lugar. Ang fund-raising activity ay ginawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga T-shirt na ginamit ng mga sumali sa walkathon event na kanilang inorganisa.

Show comments