Damay ang buong bayan Anne naipit sa walong oras na trapik!

Kaloka talaga ang traffic situation noong Biyernes dahil pati ang mga side street sa Metro Manila, napuno ng mga sasakyan na usad-pagong ang galaw.

Sa Morato area pa lang, OA na ang traffic habang papunta at paalis ako sa presscon ng Happy Wife, Happy Life.

Kahit sino’ng happy wife, hindi magiging masaya ang buhay sa trapik na parusa sa lahat ng mga residente ng Metro Manila. May isang happy wife na umalis sa Pasig City ng 5 p.m. at dumating siya sa kanyang pupuntahan, somewhere in Novaliches, ng 10 p.m. May mga hindi nakasakay ng eroplano dahil buhol-buhol ang trapik papunta sa airport. Umalis sila ng maaga mula sa kanilang mga pinanggalingan pero naging biktima pa rin sila ng matinding trapik. Hindi na makatarungan ‘di ba?

Pati ang mga artista na may mga live television show, biktima ng trapik, kahit maaga sila na umalis ng bahay at iniwasan nila na dumaan sa EDSA, ‘di ba Anne Curtis?

Ikinaloka ko talaga ang balita na walong oras na tumagal ang traffic jam sa Metro Manila noong Biyernes. Paano tayo maniniwala na sign ng isang sumisigla na ekonomiya ang grabeng trapik kung maraming tao ang naperwisyo ang mga trabaho at hindi nakakarating sa kanilang mga paroroonan?

Marc Pingris at Danica kendi ang madalas pag-awayan

Kararating lang ng pamilya ni Danica Sotto-Pingris noong Miyerkules mula sa France dahil nagbakasyon sila at binisita ang French father ng kanyang mister na si Marc Pingris.

Hindi sure si Danica kung mapapanood sa Happy Wife, Happy Life ang video ng family vacation nila.

Matagal na hindi nakita ni Marc ang tatay nito pero naging malapit sila mula nang matagpuan ang isa’t isa.

Tiniyak ni Danica na babalik sila ni Marc at ng kanilang mga anak sa France para muling bisitahin ang biyenan niya.

Maligaya si Danica sa buhay may-asawa dahil ideal husband si Marc na maaasahan sa pag-aalaga sa mga anak nila.

Isa lang ang madalas na pinag-aawayan ng mag-dyowa, hindi makatanggi si Marc sa request ng mga bagets na bigyan ang mga ito ng candies.

Ayaw na ayaw ni Danica na pinapakain ng candy ang mga anak dahil nagiging hyper sila pero hindi matiis ni Marc ang mga bata.

Marc naiyak nang magpaalam sa coach ng Gilas

Noong Biyernes ang presscon ng 3rd Season ng Happy Wife, Happy Life, ang morning show ng TV5. Mga host ng programa sina Danica, LJ Moreno, at Gelli de Belen.

Nauna ng isang araw ang presscon ng Happy Wife, Happy Life sa desisyon ni Marc Pingris na huwag nang sumali sa national team na Gilas Pilipinas.

Personal na nagsadya kahapon si Marc sa practice ng Gilas Pilipinas para magpaalam kay coach Tab Baldwin na hindi siya makakasali sa mga laro ng national team.

Ang sabi ng mga eyewitness, naging emosyonal si Marc as in napaiyak ito habang kinakausap si Baldwin.

Ang sey ni Marc, naintindihan ni Baldwin ang kanyang dahilan. Mahal na mahal daw niya ang Gilas Pilipinas pero may mga bagay na mahirap makontrol.

Sayang dahil hindi naitanong kay Danica sa presscon ng Happy Wife, Happy Life ang rason ng desisyon ng kanyang mister na huwag maglaro ng basketball para sa Gilas Pilipinas.

Hindi naman kasi alam ng entertainment press ang isyu dahil kahapon lamang sinabi ni Marc ang pasya nito na mag-babu sa Gilas Pilipinas. Para magdesisyon nang ganoon at mapaiyak si Marc, tiyak na may mabigat na dahilan. Ano kaya ang sitwasyon na hindi niya makontrol?

Show comments