MANILA, Philippines – Bigla raw kumambyo ang nanay ni Kathryn Bernardo sa pagpaparinig kay Nadine Lustre na copycat ito ng kanyang anak.
Nag-dialogue daw ito na magkaka-pamilya naman sila at suportahan na lang ang mga programa ng ABS-CBN.
Nauna na kasing nag-tweet ang nanay ng young actress na mahirap ang nanggagaya.
“Guys, let’s be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya #PSYPagtuwidSaNakaraan,” ang tweet nito na naisip agad ng mga nakabasa ay ang tinutukoy ay si Nadine.
Baka naman kasi nakaramdam ng nanay ni Kathryn ng kaunting pag-aalala dahil since Monday, trending worldwide and local ang On The Wings of Love na bida sina James Reid and Nadine Lustre. Wagi rin umano ito sa rating nationwide.
Ang galing kasing umiyak ni Nadine sa serye. Parang effortless ang pagtulo ng luha niya sa mga eksenang madrama.
At sunud-sunod ang lalabas nitong endorsement. Isa rito ang pagiging endorser niya ng Creamsilk. Imagine kaliga na niya sa nasabing produkto sina Lea Salonga, Toni Gonzaga, Heart Evangelista and Anne Curtis.
So flying high on the wings of love ang career ni Nadine.
Ito kaya ang rason ng mga mahiwagang tweet ng nanay ni Kathryn?
May bagong endorsement din naman si Kathryn, ang Primadonna footwear kaya wala naman sigurong dapat ipag-alala ang nanay ng young actress.
Sharon nakalabas na ng ospital
Nakalabas na pala ng hospital si Sharon Cuneta matapos ma-confine ng limang araw.
Kinuwento ni Sharon sa kanyang Facebook account, pinatawagan niya si KC Concepcion para naman bisitahin siya nung may sakit siya.
Mabilis naman daw dumating ang anak na may dalang mga tinapay at sandwich na sobrang paborito niya na sumisira sa kanyang diet. “I have always loved KC lying down beside me, and hugging her. I love the smell of my baby’s skin and hair,” sabi pa ni Sharon.
Ito rin pala ang unang pagkakataon na naospital siya na wala na ang kanyang mommy.
Medyo may sakit pa siya, pero ni-request na raw niyang umuwi.
“I am just so glad to be back home, though am still recovering, still a bit sick. Better, but still recovering.”
Ang ipinanghihingi naman niya ngayon ng dasal ay ang anak niyang si Miel na may lagnat.
Nora hihintaying maging presidente si Grace bago magpa-opera?
Uy nagpahayag pala si Superstar Nora Aunor ng kanyang “101 percent support” kay Sen. Grace Poe.
Ayon kay La Aunor, wala siyang ibang susuportahan sa pagka-presidente kundi si Sen. Grace, kung ito ay magdeklara na nga ng kanyang kandidatura.
“Madali siyang lapitan; maunawain siya. Wala akong kaduda-duda sa kanyang kakayahan at katapatan bilang isang Pilipino at public servant. Ako ay 101 percent na sumusuporta sa kanya,” dagdag niya.
Paliwanag pa ng superstar, nakikita niya ang yumaong Fernando Poe Jr., ang ama ni Sen. Grace, sa senadora.
Noong nakaraang Mayo ay pinarangalan si La Aunor ng Senado para sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino. Ito ay matapos tumanggap si Nora ng the Lifetime Achievement Award sa ASEAN International Film Festival and Awards sa Malaysia.
Pero teka ano na bang nangyari sa pagpapa-opera ni La Aunor ng kanyang lalamunan?
Baka naman hinihintay pa niyang maging presidente si Grace bago niya ituloy ang pagpapa-opera ng lalamunan para bumalik ang ningning ng kanyang dating boses?