MANILA, Philippines - Haharap ang mga kilalang political analysts sa The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado (August 15) upang talakayin ang maiinit na isyung kinakaharap ng mga presidentiables. Hihimayin nina Dr.Jayeel S. Cornelio, isang sociologist at director ng Development Studies Program sa Ateneo de Manila University, Richard Heydarian, isang international columnist, author at professor ng De La Salle University, Eric De Torres, chairman ng Department of Political Science and Legal Management sa University of the East at Leloy Claudio, post-doctoral researcher ng Center for Southeast Asian Studies sa Kyoto University ang mga kandidato sa pagkapangulo. Kung ngayon isasagawa ang election, sino ang iboboto nila? Gaano kahalaga ang imahe para sa kanila? Ano ang mga hamon na kakaharapin ng ating bansa?