Magtatambal sa kauna-unahang pakakataon sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao sa isang serye sa TV, pero hindi sa ABS-CBN mapapanood kundi sa Cinema One.
First time na magtatambal ang dalawang Kapamilya stars at first time rin nilang maidirek ng isang magaling na indie film director na unang sasagupa sa kanyang first mainstream project sa telebisyon na si Pepe Diokno, isang kolumnista rin ng The Philippine Star.
Sasabak agad ang dalawang artista sa ilang mga daring scenes na inaalala ng marami na baka pagselosan ni Sarah Geronimo lalo na ‘yung eksena na maghuhubad siya sa harap ni Shaina, pero ipinagtanggol agad ito ng kapareha ni Matteo sa pagsasabing trabaho lamang ang lahat at walang personalan.
Mapapanood ito simula Agosto 29, Sabado ika-8:00 NG. Pinamagatang Single/Single, lahat ng nakapanood ng unang episode ay nagsabing may chemistry sina Matteo at Shaina na may mga issues na may kinalaman sa relationship.
Tinatalakay din sa serye ang kahalagahan ng paggasta, pagsisimula ng career, at pagkakaro’n ng trabaho sa isang urban na milenya.
Istorya ito ng dalawang magkaibang tao, sina Joee at Joey na napilitang mamuhay ng magkasama sa isang apartment para makatipid. Ano’ng buhay ang magagawa ng dalawang nilalang na may magkaibang kinalakihan at pinaniniwalaan sa buhay?
May replay ang Single/Single tuwing Miyerkules sa ika-8:30 NG at Linggo, 10 NG.
Ibang artista ng Dos nabibiyayaan ng pelikula sa cellphone
Napakasuwerte talaga ng mga Kapamilya artists dahil gumagawa ang network ng paraan para magkatrabaho ang napakarami nilang artista. Bukod nga naman sa mga proyekto ng ABS-CBN para sa telebisyon at ng Star Cinema na nagpoprodyus ng mga movies tulad ng pinipilahan ngayon sa mga sinehan na The Love Affair na sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas sa mga sinehan ay nagtala na ng P15-M sa takilya.
May mga ginagawa na ring palabas ang Kapamilya artists sa Cinema One at sa Star Flix na mapapanood lamang sa ABS-CBN Mobile.
Unang pelikula na handog ng Star Flix ang Must Date a Playboy na tatampukan ng magka-loveteam na Xian Lim at Kim Chiu kasama si Jessy Mendiola sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Renz mahihirapang habulin si Pokwang
Ewan ko kung magiging kasing sikat ni Pokwang ang winner sa isinagawang The Funny One contest ng It’s Showtime para sa mga komedyante na si Renz Sarita. Hindi kasi siya nagpapatawa sa pamamagitan ng slapstick kundi sa mga sitwasyon tulad ng nakasanayan niya sa pagiging miyembro ng Brotherhood of Stand-up Comedians na kailangang mag-isip ng mga joke na walang kapareho. Kaya nga naisip niya ang slogan na “rock and roll to the world” na inamin naman niyang kinuha niya sa rakistang si Pepe Smith.
Maraming pinagsimulan ang bagong komikero gaya ng pagsusulat, pagkanta, at pag-aartista pero palagi siyang bigo at tinanggihan. Dati nga nagpi-perform siya nang libre at walang bayad basta maiparinig lamang niya ang mga naiisip na jokes. Dito lang siya nagkasuwerte sa The Funny One.
Sharon dapat itigil muna ang pagdidiyeta
Kasama kami sa nagdarasal para sa mabilis na paggaling ni Sharon Cuneta na ilang linggo na ring inuubo.
Kailangan lamang niyang magpahinga nang husto at maalagaan ng gamot. Huwag na muna siyang magdiyeta. Saka na lang kapag magaling na magaling na siya.
Jairus nagpapakatatag sa malubhang sakit!
Tunghayan sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ang pagbabahagi ng life story ng isang student-athlete na sinubok ang tatag at tiwala sa sarili nang magkaroon siya ng malubhang sakit sa buto. Bibida rito ang teen star na si Jairus Aquino.
Sa kabila ng pagdanas niya ng hirap sa paglalakad, sinikap ni Efren (Jairus) na labanan ang kanyang sakit para maabot ang kanyang pangarap na makasali sa track-and-field program ng kanyang eskwelahan. Ano nga ba ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Efren upang mapagtagumpayan niya ang pinakamalaking pagsubok ng kanyang buhay? Saan nga ba siya kumuha ng lakas ng loob para harapin ang kanyang mga takot at pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan?
Kasama rin sa episode ng MMK sina Emilio Garcia, Assunta de Rossi, Manuel Chua, John Bermundo, Joaquin Reyes, at Kyle Banzon. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at sa panulat ni Mark Duane Angos sa pamumuno ng business unit head nito na si Malou Santos.