Pinasalamatan ni Dawn Zulueta si Coco Martin dahil sa napaka-open na pagpuri nito sa kanya matapos nitong mapanood ang The Love Affair. Nagkainteres siya rito nang husto dahil first time niyang makapanood ng isang family movie na ang babae ang nagtaksil sa kanyang asawa.
Gandang-ganda si Coco sa performance ng tatlong bida at kung paano na-handle ng mga writer ang sitwasyon ng mag-asawa.
Startalk babu na
Mawawala na pala sa ere ang Startalk matapos ang mahabang panahon na pagbibigay ng mga balita at intriga sa showbiz. Ano kaya ang ipapalit ng network dito?
At kung meron man ay siguradong iba namang putahe at may ibang personalidad para bagung-bago sa mga manonood.