^

PSN Showbiz

Lucy pinuri-puri ang pagiging kabit ni Bea kay Richard

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Kinilabutan ang mga nanood ng digitally restored version ng Karnal sa CCP noong Huwebes nang makita nila ang poster ni Charito Solis dahil sa malaking pagkakahawig nila ng Karnal director na si Marilou Diaz-Abaya. Parang sinaniban ni Marilou ang Karnal poster ni Charito. 

Scene: Sina Gabby Concepcion at Venus Raj ang mga host ng coronation night ng Binibining Pilipinas USA 2015 na magaganap ngayon sa Carpenter Performing Arts Center, Longbeach, California. Special guests sa coronation night si Ariella Arida at ang Fil-Am actress na si Tia Carrere.

Seen: May dapat panghinayangan ang Universal Records dahil contract artist nila noon si Alden Richards at sila ang producer ng self-titled album ng aktor na pumirma ng kontrata sa GMA Records noong Huwebes. 

Scene: Ang Hitman David Foster & Friends concert sa Smart Araneta Coliseum sa August 18. Performers sa Hitman sina Natalie Cole, Ruben Studdard, Boyz ll Men, at Charice Pempengco. Kasikatan ni Charice at hindi pa nito inaamin na tomboy siya nang unang itanghal ang Hitman sa Araneta Coliseum noong October 2013. 

Seen: Bumuhos ang pakikiramay at mga dasal para kina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sa pagkawala ng kanilang triplets. 

Scene: Walong buwan pa lamang  si Amanda Gabrielle pero pinaplano na ni Ara Mina ang 1st birthday party ng kanyang anak. 

Seen: Kilig na kilig si Bea Alonzo dahil sa mensahe sa kanya ni Lucy Torres-Gomez matapos nitong panoorin ang The Love Affair. Pinuri ni Lucy ang acting ni Bea at sinabi niya na fan siya ng aktres na gumanap na other woman ni Richard Gomez sa The Love Affair. 

Scene: Sina Regine Velasquez at Martin Nievera ang mga special guest sa concert ngayong gabi nina Erik  Santos at Angeline Quinto sa Smart Araneta Coliseum.

ALDEN RICHARDS

AMANDA GABRIELLE

ANG

ANGELINE QUINTO

ARA MINA

ARANETA COLISEUM

KARNAL

LOVE AFFAIR

NBSP

SMART ARANETA COLISEUM

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with