MANILA, Philippines - Pasok si Gelli de Belen sa third season ng Happy Wife, Happy Life. Si Gelli ang karagdagang host sa daily morning reality/lifestyle show ng TV5 ngayong nakabakasyon si Mariel Rodriguez. Hindi pa alam ni Mariel na buntis siya nang iwan ang show. Sumunod lang siya sa asawa sa Spain at pagbalik niya, nadiskubreng nakabuo na sila ng asawa niyang si Robin Padilla. Pero sadly, nakunan siya the other night.
Kaya naman, malungkot at nagdarasal ang mga kasamahan niyang host sa programa na sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag.
“Ipag-pray natin sila. No amount of words na puwede silang ma-comfort ang pinagdaraanan nila,” sabi ni Gelli.
Sa Happy Wife, Happy Life naka-recover si Mariel nang una siyang magka-miscarriage noong March 2015.
Sinabi niya noon sa mga interview na naging mas madali sa kanyang kalimutan ang lahat dahil sa trabaho niya sa nasabing show.
Pero ngayon tiyak na kailangan pang magpahinga ni Mariel bago makabalik sa trabaho.
On the other hand, natatawa naman si Gelli dahil feeling bagets siya sa pagpasok sa Happy Wife, Happy Life. “Alam n’yo ba si Danica, naglalakad pa lang, two years old pa lang yata siya, kapitbahay namin sila tito Vic. Same street kami. Nasa walker pa lang si Oyo Boy, nakikita ko na itong si Danica. Tapos ito namang si LJ, parang 16 years old ka lang ba noon, kasama ko na siya sa pelikula. So parang sabi ko, ano ba itong mga kasama ko, ngayon mga nanay na sila. Pang-lola na ba ako,” sabi ng bagong pasok sa daily morning show.
Pero may sagot si Danica : “Siya naman ang may pinakamaliit na beywang sa aming tatlo.” Payat kasi si Gelli sa dalawa na parehong basketball superstar ang asawa.
Sa pagpasok ni Gelli sa Happy Wife… nangako sila ng mga bagong segment that are both entertaining and informative na makakatulong sa mga misis na harapin ang challenges of raising their own families.
Ilan sa mga new segment ang Misis Day Out, Happy Chat, Eats Happy Trip, Mommy Alert, Budget Friendly Finds and Happy Palengke.
Catch them as they spread happiness every 10:15 a.m., Monday to Friday, sa TV5.
Maria Ozawa pinatulan ang mga maka-Robin
Pumatol ang bomba star na si Maria Ozawa sa mga sumisisi sa kanya sa pagkakalaglag ng triplets na dinadala ni Mariel Rodriguez.
Binantaan kasi siya na hindi siya titigilan dahil sa ginawa niyang pagtalak kay Robin Padilla sa pag-atras nito sa pelikula nila.
“If you have something to say to me, then say it in English so I can understand you,” ang sagot ng Japanese porn star sa mga netizen na hindi siya tinitigilan.
“And blaming me for the miscarriage is wrong.
“Why do you sound like as if I wanted that to happen? You’re such a crazy person... and cold-hearted.”
Wow. Palaban ang bomba star na tinatanong minsan ni Kabayang Noli de Castro sa kanyang morning show sa DZMM kung bakit Maria ang pangalan nito samantalang hindi naman siya Pinoy at siyempre hindi nga naman santa ang image niya.
At ang development kahapon, balitang hindi aatras ang pelikulang Nilalang sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Papalitan lang daw si Robin ni Cesar Montano.
So tuloy ang trabaho ni Maria na hubadera?
Marian walang kakamot-kamot
“Couldn’t get enough of my girls,” sabi ni Dingdong Dantes nang i-upload sa Instagram account niya ang photo ng misis niyang si Marian Rivera na naka-two piece. Nagbakasyon ang mag-asawa sa Amanpulo para sa birthday ni YanYan at hindi nagdamot ang mag-asawa sa kanilang fans. Idinisplay ni Marian ang kanyang makinis na tiyan kahit manganganak na sa November.
Kasi wala talagang nagbago kay Marian as in wala man lang siyang kamot o manas at hindi nangitim ang leeg niya.
By this time ay nakabalik na ng Manila ang mag-asawa.