Megan todo ang pagpapa-sexy!
Sunud-sunod na ang pagpapakita ng GMA-7 sa teaser ng MariMar.
In fairness, interesting si Megan Young bilang bagong MariMar dahil maganda at seksing-seksi siya sa teaser ng primetime teleserye ng GMA-7 na magsisimula sa August 24.
Ang MariMar ang ipapalit sa timeslot ng Pari ‘Koy na matatapos naman sa susunod na Biyernes, August 21.
Hindi dapat pagkumparahin sina Marian Rivera at Megan bilang mga MariMar dahil may kanya-kanya sila na mga katangian.
May konek sa isa’t isa ang mga artista ng MariMar, noon at ngayon.
Eight years ago, si Dingdong Dantes ang gumanap na Sergio sa MariMar at ngayon ito ang ipapalit sa programa niya.
Eight years ago, si Marian na alaga noon ni Popoy Caritativo ang gumanap na MariMar at ngayon, si Tom Rodriguez na talent ni Popoy ang gaganap na Sergio.
Heto pa, magkakasama sa isang television show ang bagong MariMar at ang dating Sergio dahil sina Megan at Dingdong ang mga host ng Season 6 ng Starstruck na mag-uumpisa naman sa susunod na buwan.
Hectic na ang schedule ni Megan dahil maglalagare siya sa tapings ng MariMar at ng Starstruck VI. May karapatan si Megan na maging co-host ni Dingdong sa reality-based artista search ng Kapuso Network dahil produkto siya ng Starstruck na naging daan para matupad ang kanyang pangarap na manalo ng beauty title.
Driver ng naaksidenteng bus dapat magdusa
Walang kinalaman sa showbiz ang bus accident na nangyari noong Miyerkules sa boundary ng Novaliches at Caloocan City pero papatulan ko bilang ito ang headline sa mga television news program noong Wednesday night at kagabi.
Sumuko na ang bus driver na si George Pacis na maituturing na kriminal dahil marami ang mga pasahero na nagbuwis ng buhay at nasaktan nang bilisan niya ang pagmamaneho. Ang sabi ng isang biktima, na-offend daw si Pacis nang punahin ng isang pasahero ang kanyang matulin na pagpapatakbo.
Lumabas sa imbestigasyon na positive sa drug si Pacis kaya ganoon ang kanyang inasal. Dapat na pagdusahan ni Pacis ang mga kasalanan nito dahil kung hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, hindi mangyayari ang aksidente.
Nakakapag-init ng ulo at talagang nakakagalit ang malaking perwisyo na ginawa ni Pacis. Kailangan talaga na ipatupad sa lahat ng mga driver ang drug test bago sila payagan na magmaneho para hindi na maulit ang aksidente.
Mabuti sana kung sila lang ang maaapektuhan ng kanilang mga katsipan at walang mga inosenteng tao na madadamay.
Ramon Ang inatras na ang demanda kay Gozon
Naayos na ang problema sa pagitan ng businessman na si Ramon Ang at ng Gozon Group dahil nagkaroon sila ng amicable settlement.
Naglabas kahapon ng joint official statement ang magkabilang-panig tungkol sa usapin na hindi na diringgin sa korte dahil iniatras na ni Mr. Ang ang kanyang reklamo laban sa GMA Network Inc. Management:
“Mr. Ang has agreed to withdraw the complaint he filed in the Department of Justice against Atty. Felipe L. Gozon, Felipe M. Gozon, Jr., Anna Teresa Gozon-Abrogar, Ismael Agusto S. Gozon, Belinda G. Madrid, Ma. Erlinda G. Gana, Jaime Javier Gana, Florencia Gozon Tarriela, Edgar Tarriela, Tricia Tarriela Valderrama, and Atty. Gozon has agreed to return the Php 1 billion to Mr. Ang.
“Atty. Gozon has explained, as stated in GMA’s disclosure to the PSE last August 5, 2015, that, ‘In making the decision to retain the downpayment, Atty. Felipe L. Gozon did not consult with the other members of the Gozon Group. The said other members had no participation in the said decision.
“Mr. Ang has accepted Atty. Gozon’s explanation about the non-involvement of the other members of the Gozon Group in the retention of the downpayment.”
- Latest