Laging pagod at nahihilo, sakit ni Sharon nakakahawa!

Sharon

MANILA, Philippines – Nanghihingi ng dasal si Megastar Sharon Cuneta. Grabe, tatlong linggo na palang ‘weird’ ang kanyang ubo. Nakakanta lang pala siya sa concert ni Rey Valera last August 1 at sa ASAP nang bigyan siya ng tribute dahil sa steroids.

Lagi rin daw siyang nanghihina kahit wala namang ginagawa. Nahihilo rin daw siya.

Heto ang last update ni Sharon kahapon : “Chest x-ray okay. But fungal infection pa. Ngee. Longer to heal but at least it’s being addressed na. Low albumin (Been dieting kasi. Ayan, pause na naman.), so they’re adding a vitamin with that and proteins to my I.V.. Please pray that whatever else isn’t supposed to be in my body goes away na. Love you all. Thanks so much. God is good! Pulmonologist next.”

Nauna nang nag-post si Sharon at nabanggit na nanggaling siya sa Tokyo at California at dinedma muna niya ang pagiging techie. At natutuwa naman siya dahil na-enjoy ang panahong hindi siya nagparamdam sa social media.

“I have been coughing for over three (!!!) weeks now. I went on antibiotics for two of those three weeks, and I didn’t get better at all. I am always tired even when I’m not doing anything, also always dizzy, and yesterday I finally (yes, just yesterday. Matigas minsan ang ulo ko, ayaw agad pumunta sa doktor!) went to see my E.N.T. at Cardinal Santos. Well now I am confined at St. Luke’s because my doc warned me that I am contagious (Miguel already got sick. Am sure nahawa sa akin.) and I still don’t know what’s wrong with me, except for what my doc yesterday saw were allergic rhinitis and a post-nasal drip and a bacterial infection that all started when I was in the States. Also, my heartrate is racing even when I am sleeping. This, apparently, is the cause of my constant tiredness. Para akong excited na nanonood ng concert ng One Direction (sorry, I’m really a fan! Blame my girls!:-)) kahit na nakahiga lang ako at nagbabasa. I know this because I had a 2D Echo test with one of my cardiologists last night.

“I’ve been on an I.V. of antibiotics since I got here yesterday, but my cough is still weird. Weird for lack of a better word -- and also really weird because I’ve never had a cough like this before. It’s a “hard” cough. It is mostly quiet, but when it hits, it’s like a full-on violent attack and I actually become weak from coughing too much. And my heart...it is what I am most worried about. At least it’s fixable and right now they’re just figuring out how much of a dosage I would need of my meds to keep the rate normal,” mahabang kuwento ni Mega.

Babalik bilang judge ng Your Face Sounds Familiar si Sharon na umano’y papalit sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother 737.

OTWOL binaha ng 2 million na tweets

Grabe umabot pala sa more than 2 million tweets ang pumasok sa pagsisimula ng pinagbibidahang serye nina James Reid and Nadine Lustre na On The Wings of Love last Monday night.

Iba na kasi ang panonood ngayon ng TV. Kung noon pag nanonood ng TV, nakahiga lang o kumakain ng junk food, ngayon hindi na. Habang nanonood kailangan nagti-tweet ka na rin.

Kaya naman ang On The Wings of Love, kumabig ng 2 million na tweets.

Kung sabagay, ang taas ng kilig factor ng bagong palabas ng ABS-CBN na gawa ng Dreamescape.

Mabilis din ang phasing at parang pelikula ang approach na gawa ng director nitong si Antoinette Jadaone. Malaking factor din na sa Amerika sila nag-taping.

Sigurado ring maraming makaka-relate na mga Pinoy na nangangarap mag-Amerika para umasenso.

Noon kasi, ang pangarap lang ng mga Pinoy na nasa probinsiya ay makarating sa Maynila. Pero kabi-kabila ang ‘di magagandang kuwento sa kamaynilaan kaya naman ang pangarap na ng karamihan, makabiyahe sa bansa ni Uncle Sam.

Saka in all fairness, ang galing umarte ni Nadine. Solid ang iyak.

Si James sakto sa role ang hitsura. Maging sa rating ay panalo sila nationwide.

Anyway, speaking of James, nakita ko sa social media na sumakay ito ng MRT kahapon para makarating sa pupuntahan niya sa MOA.

The Love Affair naka-B

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang The Love Affair na pinagbibidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, and Bea Alonzo na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Ayon sa ilang nakapanood na ng pelikula, ang gagaling daw ng tatlong bida. Wala ka raw itulak kabigin sa kanila.                

Show comments