Hindi inaasahan na hanggang ngayon ay magki-click pa rin sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na muling binuhay ng ABS-CBN sa pamamagitan ng hit teleseryeng Walang Hanggan in 2012.
Pareho nang may kani-kanyang buhay at pamilya sina Richard at Dawn pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang natutuwa, kinikilig, at sumusubaybay sa tambalan ng dalawa.
Richard is happily married to Rep. Lucy Torres-Gomez at meron na rin silang isang teenager daughter na si Juliana habang si Dawn naman ay misis ng businessman-turned politician na si Rep. Anton Lagdameo at meron na ring dalawang anak ang dalawa, sina Jacobo at Ayisha.
Kahit may nakaraan sina Richard at Dawn, parehong secured ang kanilang respective partners kaya never na nagselos o na-insecure ang mga ito.
Mayor Erap maraming alam kay Sen. Grace
Dinipensahan ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada ang kanyang inaanak na si Sen. Grace Poe laban sa mga naninira rito na ito umano’y lasengga at nananakit ng katulong.
Kilala ni Mayor Erap kung gaano kabait, simple, at humble ang kanyang inaanak although hindi siya nagtataka sa mga bira rito dahil ang mud slinging ay bahagi na ng pulitika, bagay na maraming beses nang naranasan ni Mayor Erap at ultimo ng kanyang yumaong best friend na si Fernando Poe, Jr.
Although wala pang pinal na kasagutan at deklarasyon si Sen. Grace Poe sa kanyang pagtakbo sa panguluhan o ‘di kaya sa pagka-bise presidente, very strong ang clamor na siya’y tumakbo sa pagka-pangulo, ang posisyon na ipinagkait sa kanyang namayapang amang si FPJ.
Maging ang ina ni Sen. Grace Poe na si Susan Roces ay hindi rin nagsasalita na may kinalaman sa pagtakbo ng kanyang anak sa mas mataas na posisyon.
Rez Cortez at KAPPT magtatayo ng movement para kay Grace
Ibinahagi sa amin ng pangulo ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) na si Rez Cortez, na nakatakda umano silang mag-launch ng Adopt Grace Poe Movement bilang suporta sa kandidatura ni Sen. Grace Poe kung saka-sakali ito’y magdeklara ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo o sa pagka-pangalawang pangulo.
Kahit noong hindi pa pangulo ng KAPPT si Rez ay aktibo na ito sa pagtulong sa kandidatura ng yumaong si FPJ.