^

PSN Showbiz

Pati ballpen, paper hindi pinalampas: Magandang aktres gumana ang kalikutan ng kamay hanggang ibang bansa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Makapigil-hininga ang mga kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang magandang aktres na matagal na namalagi sa ibang bansa nang tumumal ang kanyang trabaho dito sa Pilipinas.

Suspense ang dating ng mga impormasyon. Nagtrabaho siya sa isang establisimyentong mara­ming Pinoy na staff. Natural, kilala siya ng mga ito, napapanood siya sa isang cable channel na tinatangkilik ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Nu’ng una ay okey naman ang sitwasyon, hanggang sa may mga nagrereklamo nang staff na nawawalan sila ng mahahalagang kagamitan at pera, walang nangyayaring ganu’n nu’ng hindi pa siya pumapasok sa opisina.

Nagtatanungan ang mga Pinoy kung bakit, may nakapapasok kayang magnanakaw sa kanilang opisina, bakit araw-araw na lang ay may nabibiktima sa kanila?

Nakamayan siya ng isang Pinoy staff, gumagapang pala ang mga kamay ng magandang aktres, saglit na saglit lang ay nakagagawa agad siya ng milagro.

“Malikot pala ang mga kamay ni ____(pangalan ng aktres)? Parang clepto nga siya, e. Kasi, kahit mga gamit lang sa office, ninenenok din niya. Stapler, ballpen, mga pad paper, inuumit niya!

“Sayang, ‘no! Ang ganda-ganda pa naman niya,” komento ng aming source. Pero hindi na bago ang ganu’ng kuwento. Alam na alam din ng marami sa showbiz ang pagiging nenokera ng magandang aktres.

“Naalala n’yo nu’ng mag-pictorial siya sa shop ng isang magaling na photographer? Kinuha rin niya ang mga naka-display na sabon, shampoo at towels sa CR.

“Matingger-Z na siya kahit nu’n pa, may kalikutan ang mag hands niya, isa siyang Magna Cum Laude (read: magnanakaw),” kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Mariel hindi dapat ma-stress, ‘wag nang pumatol sa mga walang magawa

Para namang napakalaking isyu kung dumaan man sa proseso ng invitro si Mariel Rodriguez sa ipinagdadalantao niya ngayon na ayon sa kanyang mister na si Robin Padilla ay may posibilidad na maging triplets.

Ano naman ang masama kung ‘yun nga ang dahilan? Krimen na bang maituturing ‘yun? Kahit pa totoong nagpa-invitro si Mariel ay punla rin naman ng action star niyang asawa ang pinahinog sa kanyang bahay-bata?

At hindi na bago ang ganu’ng proseso. Marami kaming kilalang personalidad na nagdalantao sa ganu’ng paraan. Kumpletong bed rest ang ipinayo sa kanila ng doktor dahil maselan ang kanilang pagdadalantao.

May kilala rin ka­ming dalawang kilalang personalidad sa magkahiwalay nilang linya na may naka-freezer na punla. Hindi pa nga lang sumasailalim ang babae sa proseso dahil pareho silang masyadong abala ng kanyang mister.

Sa anumang paraan dumaan ang pagdadalantao ni Mariel ay hindi na mahalaga, ang importante ay si Robin ang ama ng kanyang mga magiging anak, ‘yun lang at wala nang iba pa.

Hindi na kailangang magpaliwanag pa ni Mariel, wala talagang magawa ang ibang tao kaya buhay ng may buhay ang pinakikialaman, anumang paliwanag ang gawin niya ay ipipilit pa rin naman ng kanyang mga bashers ang gusto nilang paniwalaan.

Bawal ang stress sa nagdadalantao. Makaaapekto sa kanyang kundisyon ang pagpatol sa mga taong wala namang alam tungkol sa kanyang personal na buhay.

Pagpapalakas ang kailangang pagtuunan ng pansin ni Mariel para maging malusog din ang kanyang mga dinadala na ikinaliligaya ng mas nakararami nating kababayan.

ACIRC

ANG

HINDI

KANYANG

MAGNA CUM LAUDE

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MGA

NIYA

PINOY

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with