Louise nakapag-tour na sa lahat ng network
Not everybody knows na ang Kapuso young star na si Louise delos Reyes ay nagsimula sa Kapamilya Network sa pamamagitan ng Ang TV2 noong siya’y 7 years old pa lamang. Pero nung siya’y maging teen-ager na ay sa Kapuso Network na siya na-identify although for sometime ay naging Kapatid talent din siya.
Louise practically toured the three major TV stations pero sa GMA siya nakilala at tumatak nang husto lalo na nang mabigyan siya ng lead roles sa pamamagitan ng Alakdana at Kambal Sirena.
Si Louise ay kasama sa bagong GMA soap na My Faithful Husband na pinangungunahan ng rumored sweethearts na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kasama rin siya sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na Romcom-in Mo Ako nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na pamamahalaan ni Joey Javier Reyes at magkakatulong na production ng OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at GMA Films.
Ikatlong ‘kabanata’ sa buhay ng pamilya Gutierrez umaariba sa ratings
Masayang ibinalita ng publicist ng Family Gutierrez na si Jun Lalin na top-rating umano ang ika-3rd episode ng family reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez na nagsimulang umere last July 27 on E! Asia Channel.
Tuwang-tuwa siyempre ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama at bumubuo ng Gutierrez Family maging ang mga taga-E! Channel sa tagumpay ng programa.
Si Annabelle ay dumalo sa recent renewal of contract ng panganay niyang si Ruffa Gutierrez with Cosmo Skin kahit away-bati ang kanilang drama.
Namataan naman namin ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle along with other Sampaguita veterans last Friday evening sa dinner get-together with the entertainment media ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place in Quezon City.
- Latest