Serye nina Jennylyn at Dennis maraming kalaswaan

PIK: Ang direktor ng My Faithful Husband na si Direk Joyce Bernal ang nagsabi na maraming mga daring scenes ang mapapanood sa bagong drama series ng GMA Telebabad.

Sabi ni Jennylyn Mercado, totoong may mga daring scenes daw siyang nakunan na never pa niyang nagawa sa ibang serye.

Kaya medyo late na ang timeslot nito pagkatapos ng Beautiful Strangers nina Heart Evangelista at Lovi Poe na magsisimula na ring umere mamayang gabi.

PAK: May magandang nangyari pala kay Melissa Mendez pagkatapos niyang masangkot sa malaking gulo sa eroplano na umabot pa sa demandahan.

Pagkatapos kasi ng iskandalo, nakipagbalikan pala ang dating asawa ni Melissa na nakasama niya sa loob ng tatlong taon.

Kuwento ng aktres; “Parang divine intervention, because of what happened, I was restored to my husband. Nagkaroon kami ng family restoration, nagkabalikan kami, dahil dun sa nangyari.

“Nang nalaman niya, I decided not to keep in touch with him, pero he never gave up on me, until such when he found out that I was having depression nga.

“Nag-usap kami, and that was the turning point.”

Bumalik daw ang romance sa kanilang dalawa at mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama.

Masasabing nakabalik na si Melissa dahil nakasakay na siya sa Cebu Pacific na wala namang order na banned na siya.

Wala na rin daw ang kasong isinampa sa kanya ni Rey Pamaran, dahil wala na siyang balita tungkol dun.

Bahagi pa rin ng pag-move on ni Melissa, nagpipinta na siya at may naipintang clouds.

Isa ito  sa mga ie-exhibit  ni Melissa sa Celebrity Auction sa August 15 na gaganapin sa Harrington’s Auction House sa Sucat, Muntinlupa.

BOOM: Pinag-uusapan na ngayon ang prima donna attitude nitong magandang veteran actress.

Ang buong akala nila ay nagbago na raw ito dahil ito rin ang inirereklamo sa kanya ng mga staff sa dating network na pinanggalingan niya.

Ang nakakaloka raw sa magandang aktres na ito, basta na lang siya umaalis sa set kapag nakikita niyang malapit na ang cut off niya.

Kabilin-bilinan daw niya kasi na dapat sundin ang hinihingi niyang cut-off.

Halimbawa, kung alas-dos ng madaling araw ang napagkasunduang cut-off, 1:45 ay n­­a­­g-iempake na ito ng gamit.

Wala pang alas-dos umaalis na siya nang hindi man lang nagpaalam sa staff.

Finished or not finished, aalis na lang siya basta dahil hanggang ganung oras lamang ang napag-usapang oras niya.

Okay lang naman daw na umalis sa oras, pero ‘yung basta ka na lang aalis na walang paalam sa production staff ang ikinaloloka ng lahat.

Nagugulat na lang ang manager niya na tumatawag sa kanya ang aktres para sabihing umalis na ito sa set nang walang paalam.

Show comments