Kathryn excited nang bumoto, ayaw sa mga corrupt!

Kathryn

MANILA, Philippines – Excited na si Kathryn Bernardo na bumoto sa 2016 Presidential elections. Pero wala pa siyang idea kung sino ang pagkakalooban ng kanyang kauna-unahang boto. Sa pamilya raw kasi nila, talagang pinag-uusapan kung sino ang iboboto. Miyembro ng Iglesia ni Cristo ang pamilya ni Kathryn na kilalang bumoboto ng kung sino ang napagkasunduan nila.

Basta ang isa sa gusto niyang mangyari, mawala na ang mga nangungurakot sa gobyerno.

Isang totoong leader ang gusto niya na magsi­silbing role model ng mga kabataan. “’Yun talagang mag-i-inspire sa mga kabataang tulad ko,” pahayag ni Kathryn last Saturday, sa launching bilang newest ambassador ng pre-holiday collection ng Primadonna footwear.

So, primadonna na ba siya dahil sa kanyang pagiging Teen Queen? Birong tanong sa kanya.

“Sino ho ba naman ang gustong maging primadonna, prima lang siguro, hahaha,” pabirong sagot ni Kathryn sa interview sa kanya after the formal launching sa kanya na ginanap sa Green Sun.

At in all in fairness, may pagka-daring si Kathryn sa poster ng footwear brand. “Nu’ng una medyo na­ilang pa. Pero maganda pala.”

Ano naman ang nasabi ni Daniel Padilla?

“Masayang-masaya siya para sa akin. Sa kanya ko unang sinabi.”

Ito ang first footwear endorsement niya kaya excited si Kathryn. Eh katulad ng maraming babae, bag at sapatos ang weakness niya. “Parang pang-alis ng stress,” sabi niya tungkol sa hilig niya sa pamimili ng bag at sapatos. At alagang-alaga raw niya ang mga ‘yun ha.

Pero nang tanungin namin kung ano’ng klase ng sapatos ang pinakamahal niyang nabili, hindi na siya nagsalita bilang endorser na nga naman siya ng Primadonna.

Isa si Kathryn sa itinutu­ring ngayon na fashion icons. “I love how quick Primadonna is when it comes to picking up what’s uso. So if I see Taylor Swift wearing something na gusto ko, I run agad to Primadonna because I’m sure they have what I’m looking for,” sabi niya.

Pero kahit madalas siyang naka-heels dahil sa trabaho niya, kung papipiliin siya, flats pa rin ang choice niyang suutin.

Anyway, sa rami ng endorsement ng young actress, hindi na niya mabilang kung pang-ilan na itong Primadonna.

Susan Roces may tatlong bilin kay Sen. Grace

Kailan nga kaya magsasalita si Tita Susan Ro­ces tungkol sa mainit na pinag-uusapan kung kakandidatong presidente si Sen. Grace Poe o hindi.

Nanatili kasing tikom ang bibig ng respetadong aktres tungkol sa napapabalitang plano sa 2016 at sa mga kotrobersya na kinahaharap ng kanyang unica hija.

Actually, sa gitna ng mga intriga hindi nawawala ang poise at pagiging res­petado ni Tita Susan. Consistent ang matamis niyang ngiti kapag natitiyem­puhan siya ng mga reporter at tinatanong tungkol sa senadora. Sayang nga at wala siya sa pa-salu-salo ni Manila Mayor Joseph Estrada for the press na dinaluhan din ng veteran stars na mga katrabaho niya noon.

Nauna nang sinabi ni Senator Grace na hindi talaga nagko-comment ang kanyang ina patungkol sa mga nangyayari sa pulitika, lalo na’t siya ang involve. Alam raw ni Tita Susan ang kanyang lugar at higit sa lahat, confident ito na kayang-kaya niyang  harapin ang mga pagsubok lalo na nga’t mas nadagdagan ang mga taong gustong wasakin ang kanyang pagkatao. Lagi lang umano itong nakaalalay sa anak para suportahan ang kanyang mga desisyon.

“Kilala n’yo naman po ang nanay ko. Hindi ‘yan talaga magsasalita. Pero sa aming dalawa lang, palagi niyang sinasabi ‘yung tatlong bilin niya,” sabi ng senadora sa mga naunang interview na parang nakakaawa na dahil sa rami ng mga nakakalokang pang-iimbyerna sa kanya.

At ito ang tatlong bilin ng ina na orig Movie Queen : Una, h­uwag na huwag daw sasayangin ng senadora ang magandang pagpapalaki sa kanya ng aktres at ama na si Fernando Poe, Jr.

Bilin din daw ng movie queen na maghanda at mag-aral nang mabuti para malaman ang totoong kalagayan ng mga kababayan. Dapat din daw ay sensitibo siya at bukas ang mga mata kung paano tutugunan ang pangangailangan ng iba.

Ang ikatlo, dagdag pa ni Senator Grace, ay tatag ng loob. “Lagi namang sinasabi ng nanay ko na ‘lakasan mo ang loob mo at tanggapin mo kung ano sa tingin mo ang makakaya mo.’”

Sino nga naman ang hindi lalakas ang loob kung ‘yun ang laging naalala niya?

Bihira ang babae na tulad ni Sen. Grace kung tutuusin. ‘Yung tipong kahit ano’ng paninira ang gawin, parating naalala ang mga bilin ng ina, hindi natitinag.

Show comments