Teacher ko, Rapist ko

MANILA, Philippines - Ang guro ang itinuturing na pangalawang magulang ng isang bata sa eskwelahan ngunit paano kung ang mismong titser pa ang walang awang magsasamantala sa inosente at menor-de-edad na batang ipinagkatiwala sa kanya?

Ngayong Sabado (Agosto 8) sa Magpa­kailanman, tunghayan ang kwento ni Myla, isang 13 anyos na dalagita na ginahasa at bi­nuntis pa ng kanyang sariling guro.

Nagkasakit si Myla nang malubha noong bata pa. Ito ang naging dahilan kaya naging mabagal at mahina siya sa klase. Pero kahit laging nahuhuli, nagsisikap si Myla na makasabay sa kanyang mga kaklase at makapagtapos ng pag-aaral. Suportado rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangarap.

Paborito si Myla ng kanyang titser na si Sir Paras. Tinutulungan siya nito sa mga class recitations at ipinagtatanggol pa siya sa mga bullies. Pero ang totoo, may masama palang balak kay Myla si Sir Paras.

Isang araw, pinatawag si Myla ni Sir at ginahasa siya nito nang paulit-ulit. Nabuntis si Myla. Tinakot siya ni Sir Paras na kapag nagsumbong siya sa iba ay papatayin siya nito.

Kanino ngayon tatakbo si Myla para humingi ng tulong? Paano matatanggap ng kanyang pamilya ang nangyaring krimen? Makuha pa kaya ni Myla ang hustisyang kailangan n’ya?

Itinatampok ang Kapuso teen star na si Bianca Umali sa kanyang mahusay na pagganap bilang Myla. Kasama sina Al Tantay, James Blanco, Alma Concepcion, Bettina Carlos, Diva Montelaba, Rich Asuncion, Vince Velasco at James Blanco.

Mula sa direksyon ni Neal Del Rosario, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

 

Show comments