Walang makeup na ayos ni Vice Ganda mas agaw-pansin
SEEN: Si Vice Ganda ang cover ng August edition ng Starstudio Magazine. Hindi na dapat gumamit ng flip cover ang Starstudio Magazine staff dahil mas makukuha nila ang atensyon ng magazine buyers kung ang no makeup at no hairpiece picture ni Vice ang kanilang ginamit sa cover.
SCENE: Ang mantra ni Arnell Ignacio tungkol sa breakup nila ng kanyang fiancé na si Ken El Psalmer: “Aanhin ang tiwala kung lahat ng hinala ay tumatama.” Busy si Arnell sa mga TV guesting at pagpapainterbyu tungkol sa naunsyami na love affair nila ni Psalmer.
SEEN: Pribado ang pagpapakasal noong Miyerkules ng Batchmates member na si Vasia San Luis kay Ozu Ong, ang miyembro ng Masculados Dos na pinaslang noong Linggo. May dalawang anak sina San Luis at Ong at may plano sila na magpakasal sa December 2015.
SCENE: Tuloy ang taping ni Direktor Maryo J. delos Reyes para sa Pari ‘Koy sa kabila ng pagluluksa niya sa tragic death ng kanyang talent na si Ozu Ong. Si Delos Reyes ang manager at mentor ng Masculados Dos.
SEEN: Ang denial ni Willie Revillame na magsasama sila ni Congressman Manny Pacquiao sa isang sitcom ng GMA 7.
SCENE: Magkakasunod at magkakasabay na magwawakas ngayon ang Bridges of Love ng ABS-CBN at ang Let The Love Begin at The Rich Man’s Daughter ng GMA 7.
SEEN: Isang grand welcome ang inihahanda para kay Kathryn Bernardo, ang one and only choice bilang celebrity endorser ng Primadonna Shoes.
SCENE: Nagkita sa Tokyo sina Manny Pacquiao at ang Fil-Am Hollywood actor na si Lou Diamond Phillips noong Miyerkules. Kasama sina Pacquiao at Phillips sa Philippine delegates na bidders sa hosting rights ng 2019 FIBA World Cup.
- Latest