The Voice Kids pumalo sa 43.9%

MANILA, Philippines – Sinabayan ang buhos ng ulan noong Hulyo ang suporta ng mga manood sa ABS-CBN matapos nitong makopo ang national audience share na 47%, o 16 puntos ang lamang sa 31% na nakuha ng GMA, base sa datos mula Kantar Media.

Nagpalakas sa kanila ang pagpatok sa TV viewers ng The Voice Kids season 2 na pumalo sa average national TV rating na 43.9% noong Hulyo, mula sa 39.5% na nakuha nito noong Hunyo. Kabilang din sa mga nakakuha ng mataas na rating ang Maalaala Mo Kaya (36%) at Wansapanataym (34.3%).

Mas tumataas din ang Primetime Bida block nila sa national TV ratings dahil sa Nathaniel (36.1%), Pangako Sa’yo (35.5%), Bridges of Love (24.2%), at Pasion de Amor (20.7%).

Samantala, nabihag din ng daytime programs ng Kapamilya ng TV viewers kabilang ang bagong Prime-Tanghali series na Ningning at ang katatapos lamang na Oh My G.

Mainit na tinanggap ng mga manonood ang feel-good daytime teleserye na pinagbibidahan ni Jana Agoncillo na nakakuha ng national TV rating na 18.3%. Sa parehong time slot, mahigpit ding kinapitan ang mga huling episode ng Oh My G na nakapagtala ng average national TV rating na 15.1%.

Wagi naman ang afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa timeslot nito sa national TV rating na 15.8%.

Muli ring hinakot ng ABS-CBN ang lahat ng pwesto sa sampung pinakapinanood na programa sa bansa noong Hulyo. Kabilang dito ang TV Patrol (29.7%),  Home Sweetie Home (27%),  Rated K (25.7%), at Goin’ Bulilit  (24.1%).

At bukod sa TV viewership, mainit na pinapanood na rin ng mga Pilipino ang mga palabas ng ABS-CBN sa kanilang computers, laptops, o smartphones gamit ang video-on-demand at livestrea­ming service ng iWanTV na nakakuha ng 81 milyong pageviews noong Hulyo mula sa 74.6 milyong nakuha nito noong Hunyo. Nangunguna sa pinakapinanood na Kapamilya shows online ang Pangako Sa’yo  (4.6 million views),  Pinoy Big Brother 737 (1.9 million views),  Bridges of Love  (1.3 million views),  Pasion de Amor  (1.3 million views), at Gandang Gabi Vice (858,456 views).

Show comments