MANILA, Philippines – Hindi napilit si Batangas Governor Vilma Santos na kumandidato sa pagka-bise presidente.
Lumutang man siya kahapon sa pagtitipon ng Liberal Party, sinabi niya sa mga nangungulit na mas interesado pa siyang maging kongresista kesa maging bise presidente bilang katambal ni Sec. Mar Roxas na tiyak na ang pagkandidato sa pagka-presidente.
Sa sinabi ni Gov. Vilma, ibig sabihin hindi matutuloy ang sinabi niyang mamahinga muna siya sa pulitika at aatupagin muna ang showbiz career na matagal-tagal na ring naitsapuwera dahil sa tungkulin niya sa gobyerno.
Eh paano na kaya ang pelikulang ginagawa nila ni Angel Locsin? Balitang nauna nang nakapag-shooting si Angel at hinihintay na lang na malibre siya para magtuluy-tuloy sila ng shooting.
Piolo walang ingay sa Ironman, Matteo nagmukha raw sex symbol
Walang kaingay-ingay ang pagsali ni Piolo Pascual sa Ironman last Sunday. Kabaliktaran ito sa nangyari kay Matteo Guidicelli na talagang pinag-usapan dahil sa pagsuporta ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo na lumipad pa pa-Cebu para salubungin siya sa finish line ng triathlon event.
Tiyak tuloy parang nasa cloud 9 si Matteo lalo na nga’t ang ini-endorse niyang energy drink ang major sponsor ng event.
Ang napansin lang ng ibang followers ni Matteo, mukha siyang sex symbol sa outfit niya sa Ironman.
Anyway, kung may girlfriend lang sana si Piolo, baka sakaling pinag-usapan din nang husto ang kanyang pagsali sa triathlon event.
JK nagwi-wish na magkaroon ng visiting hours sa langit
May solo album na rin ang The Voice Kids runner-up na si Juan Karlos Labajo.
Kahapon ay nagkaroon ito ng launching. Naunang nagkaroon ng album si Darren Espanto at sinundan ni Lyca Gairanod sa MCA Music, Inc.
Maraming may paborito kay JK dahil sa kakaiba niyang galing sa kantahan. Hindi pambata ang taste niya sa music kaya hindi lahat ng bata ay magugustuhan ang mga kanta niya. He’s into jazz and more mellow genres na mas madalas pakinggan ng adults. Even his singing has a distinct style that his classmates and teachers immediately noticed.
After performing for a number of school programs, alam na ng kanyang pamilya na he would make it big. Ang mommy niya ang may wish na sumali siya sa The Voice Kids. Pero ang nakakalungkot, she passed away before she even got the chance to watch him compete. At ito ang mas nagbigay ng determination kay JK na makasali sa finals, with his grandmother and uncle by his side.
Kahit mahirap ang competition, ramdam niyang ginabayan siya ng kanyang mommy, every single moment.
Hindi naman siya nabigo. Naging third placer siya na nagbukas sa kanya ng maraming pagkakataon. Na ang pinaka-latest nga ay ang album sa MCA.
Nauna na siyang nagkaroon ng concert tours at nagkaroon na rin siya ng chance na magkaroon ng acting assignment. The endless possibilities just intensified JK’s dreams to win awards for music and movies, start a modeling career, at ang magkaroon ng international record deal hindi lang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa mga taong gusto niyang tulungan. “Dream ko po na makatulong sa mga cancer patient at pumunta sa home for the aged. Gusto ko na mapasaya sila sa aking talent at mag-share po ako ng aking mga blessings sa kanila,” pahayag ni JK.
Anyway, may anim na kanta ang kanyang JK album written by new breed of composers like Jensen Gomez (This Gravity), Brad Go (Maybe Love), and Kennard Faraon (Para Sa ‘Yo, This Song Is For You, Summer Time Love). Ang carrier single na Para Sa ‘Yo is now enjoying heavy airplay on top radio stations sa bansa. ‘Di Ka Man Lang Nagpaalam is special to him as it is the song he dedicates to his late mother. Isinama rin sa album ang band version ng Para Sa ‘Yo at acoustic version ng This Gravity.
“Hindi ko po maipaliwanag ang happiness,” sabi niya sa kanyang bagong album.
Hindi rin niya nakakalimutan ang sinabi ni Coach Bamboo na “ang pagiging humble po at pagiging masunurin sa payo.”
Alam din niya kung gaano ka-proud ang kanyang ina ngayon lalo na nga’t masasabing sikat na siya. Pero hindi lahat saya ang nararamdaman niya, ang big wish niya, “sana may visiting hours ang heaven para puwede akong bumisita sa kanya at ma-hug at ma-kiss ko siya tapos sasabihin ko ‘I love you.’”
Out na ang JK CDs sa Astrovision and Astroplus outlets and through digital downloads via Spinner and iTunes.