GMA 7 kinasuhan ng estafa ng negosyanteng si Ramon Ang, P1-B na downpayment ‘di ibinalik

SEEN: Si P-Noy at ang kanyang convoy kahapon sa Tomas Morato Avenue, Quezon City. Walang wang-wang at matagal na huminto sa Morato Avenue ang sasakyan ni P-Noy at ang convoy niya dahil hinintay nila ang go signal ng green traffic light.

SCENE: Ang rebelasyon sa Gandang Gabi Vice ni Claudine Barretto na ex-boyfriend nito si Eric Fructuoso kaya muntik niya nang makumpleto ang mga miyembro ng Guwapings, ang grupo nina Eric, Jomari Yllana, at Mark Anthony Fernandez na ex-lover ng aktres.

SEEN: May kutob ang mga imbestigador na kakilala ni Ozu Ong ang pumatay sa kanya at tumangay sa kotse niya. Si Ong ang Masculados Dos member na pinaslang noong Linggo sa Angono, Rizal. Maliliit pa ang mga anak na naiwan ni Ong.

SCENE: Pabebe si Erich Gonzales sa tuwing nagkukuwento tungkol sa kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga. Sa August 6 ang tentative date ng first taping nina Erich at Daniel para sa Be My Lady, ang teleserye na pagbibidahan nila.

SEEN: Second rate trying hard copycat ni Robin Padilla ang kanyang pamangkin na si RJ Padilla. Sariling identity ang kailangan ni RJ para mapansin at magkaroon siya ng pangalan sa showbiz.

SCENE: Syndicated estafa ang kaso na isinampa ng businessman na si Ramon Ang laban sa mga executive ng GMA Network, Inc. dahil sa pagtanggi na ibalik sa kanya ang isang bilyong piso na downpayment para sa hindi natuloy na pagbili niya sa 34 percent stake sa Kapuso Network.

SEEN: Hindi pa natatanggap ng GMA Network, Inc. ang kopya ng reklamo ni Ramon Ang ngunit ito raw ang tumalikod sa negosasyon nila noong March 2015.

SCENE: Mali ang title na ibinigay kay Jovit Baldivino bilang bagong Jukebox King dahil matagal nang hindi uso ang jukebox at ang mga plaka. It’s a big joke.

Show comments