May dapat ba na ika-insecure ang mga artista sa mga sport personality?
Wala ang sagot, pero naitanong ko pa rin ito dahil ang mga sport personality na ang mga kinukuha bilang mga ambassador at endorser ng sari-saring produkto.
Take note, malalaking kompanya ang mga nagtitiwala sa power ng mga atleta bilang product endorsers.
Kagaya kahapon, ipinakilala ang mga volleyball superstar na ambassador ng PLDT Home ULTEra.
Mismong ang PLDT VP and Home Marketing Head na si Gary Dujali ang nag-introduce sa entertainment press sa mga bagong kabarkada ng PLDT Home ULTEra, ang volleyball players na sina Peter Torres, Alyssa Valdez at ang magkapatid na Dindin at Jaja Santiago.
PLDT Home ULTEra endorsers din sina Rachel Daquis, Ara Galang, John Vic De Guzman, at ang kontrobersyal na si Mika Reyes.
No-show kahapon si Reyes sa grand launch ng PLDT Home ULTEra dahil may previous commitment siya pero hindi kumbinsido ang showbiz press.
Ang feeling ng mga reporter, sinadya ni Reyes na huwag magpakita para hindi siya usisain ng press tungkol sa breakup nila ni Kiefer Ravena, ang kanyang ex-boyfriend na napapanood sa sitcom ng TV5, ang No Harm, No Foul.
Si Kiefer ang unang umamin na hiwalay na sila ni Reyes at nangyari ang kanyang admission sa presscon noon ng No Harm, No Foul.Hindi sinabi ni Kiefer ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Reyes pero malakas ang kutob ng mga reporter na may kinalaman ang kumalat na alleged kissing video ng kanyang ex-girlfriend at ng isang male swimmer.
Tama ang desisyon ni Reyes na huwag umapir sa presscon kahapon dahil malamang na siya ang puputaktihin ng mga reporter na gustong malaman ang the truth and nothing but tungkol sa alleged kissing video.
Alyssa Valdez tumangging siya ang ipinalit ni Kiefer kay Mika
Nagpapasalamat si Alyssa Valdez dahil napili siya na official representative ng PLDT Home ULTEra.
Sinabi ni Valdez na siya ang tipo ng tao na all out sa volleyball court, sa bahay, pamilya, at kaibigan. Mahalaga raw sa kanya ang panahon na inilalagi sa kanilang tahanan, kasama ang mga magulang at tatlong kapatid na lalaki.
Dahil sa mabilis na Internet connection ng PLDT Home ULTEra, lalong tumibay ang bonding moments ng Valdez family dahil sama-sama sila sa video game play-offs at movie marathons.
Si Papa Gary ang nagpatunay na mga volleyball superstar si Valdez at ang ibang mga ambassador ng PLDT Home ULTEra dahil pinagkakaguluhan at tinitilian ang grupo sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan para i-promote ang latest offering ng PLDT Home.
Bago ko makalimutan, pinabulaanan ni Valdez na siya ang ipinalit kay Mika ni Kiefer. Good friends lamang daw sila ni Kiefer dahil estudyante rin siya ng Ateneo de Manila University.
PLDT Home ULTEra para sa sports
Strong advocate ng sports excellence ang PLDT Home ULTEra at ayon ito kay Papa Gary.
“This power roster represents what PLDT Home ULTEra is all about. Each of them has gone all out in volleyball, rising to excellence through hard work and dedication. Now we’re showing a side of them that goes all out at home with family and friends. The ULTEra lifestyle is about going all out in anything you do and we apply that mantra to our home-based Internet connection, “ ang klarong-klaro na pahayag ng mabait na big boss ng PLDT Home.
Cong. Mark Villar kinuha ang Blackwater Elite para sa kampanya kontra droga
Kung ang mga volleyball superstar ang mga ambassador ng PLDT Home ULTEra, ang Blackwater Elite naman ang first Philippine Basketball team na anti-drug ambassador.
Si Las Piñas House Representative Mark Villar ang nag-announce sa pagiging anti-drug ambassador ng Blackwater Elite sa exhibition game na ginanap noong July 30.
Ang Las Piñas All Stars ang nakatunggali ng Blackwater Elite sa exhibition game.
Nagpapasalamat si Papa Mark sa pagsuporta ng Blackwater Elite sa kanyang anti-drug advocacy.
Sinabi ni Papa Mark na 1.7 million ang bilang ng drug users sa Pilipinas, ayon sa Dangerous Drugs Board, jobless o hindi nakatapos ng pag-aaral ang karamihan sa kanila.
Mula nang mahalal na representative ng Las Piñas si Papa Mark, naging advocacy niya na ipaalaala sa kanyang constituents ang masamang epekto at negative consequences ng drug abuse sa pamamagitan ng mga sport clinic sa bawat barangay na siya ang organizer.