SEEN: Hanggang sa last telecast kahapon ng Sunday All Stars, sintunado ang boses ni Jaya nang kantahin nito ng live ang sariling hit song na Wala Na Bang Pag-Ibig.
SCENE: Mali na naman ang voice over ni Bianca Gonzalez sa Cinema News ng Cinema One dahil Written In Our Stars, hindi Written In The Stars ang title ng ABS-CBN teleserye na tatampukan nina Piolo Pascual, Sam Milby, Toni Gonzaga, at Jolina Magdangal.
SCENE: Hindi naging hadlang ang sprained ankle ni Jobelle Salvador para hindi siya makasali kahapon sa production number at reunion sa ASAP ng mga artista ng Hotshots, ang 1984 movie ng Viva Films. Binuhat si Jobelle ng mga male dancer habang kumakanta dahil hirap siya sa paglalakad.
SEEN: Ang suggestion ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino na isali nito sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ang ex-boyfriend na si Joey Marquez.
SCENE: Kilig na kilig si Barbie Forteza sa birthday celebration nito kahapon sa Sunday All Stars nang sabay na humalik sa kanya ang longtime crush na si Dennis Trillo at si Andre Paras, ang love interest niya sa The Half Sisters.
SEEN: Marami ang nawalan ng regular show sa pagtatapos kahapon ng Sunday All Stars. What now ang tanong kina Jonalyn Viray, Kris Lawrence, Maricris Garcia at ibang mga mainstay na pagkanta lamang ang talent.
SCENE: Ngayong hapon, 5 p.m. ang special fans screening sa TriNoma Cinema 7 ng pilot week ng On The Wings of Love, ang teleserye nina Nadine Lustre at James Reid na mapapanood simula sa August 10 sa ABS-CBN.