Hindi napigilan ni Regine Velasquez na mapaluha sa farewell show kahapon ng Sunday All Stars dahil matagal siya na naging bahagi ng Sunday program ng GMA 7 mula sa SOP at Party Pilipinas.
Nagsimula ang SOP noong 1997 kaya parang may 18-year old daughter na si Regine. Kahit sino ang nasa lugar niya, talagang malulungkot sa pamamaalam sa Sunday show na parte ng kanyang buhay sa loob ng labingwalong taon.
“We will definitely see each other again. To God be the glory,” ang farewell message ni Regine sa loyal fans ng nag-babu na Sunday afternoon program ng Kapuso Network.
Heart feeling natikman na rin ang labi ni Lovi sa pakikipaghalikan kay Rocco!
Halos maiyak din si Heart Evangelista sa pagpapaalam ng Sunday All Stars. Mabuti na lang, nakapag-promote pa si Heart ng Beautiful Strangers sa last episode ng Sunday All Stars.
Starring si Heart at ang kanyang best friend na si Lovi Poe sa Beautiful Strangers. Co-stars nila sina Benjamin Alves, Rocco Nacino, Christopher de Leon et al.
Mga guest namin sa Startalk noong Sabado sina Lovi at Rocco dahil nag-promote sila ng Beautiful Strangers.
May kissing scene sina Heart at Rocco sa Beautiful Strangers kaya nakaramdam sila ng pagkaasiwa nang kunan ang eksena.
Tawang-tawa ako sa dialogue ni Heart na parang nahalikan na rin niya si Lovi dahil sa kissing scene nila ni Rocco. Hinintay ko na sabihin ni Rocco na parang nahalikan na rin niya si Senator Chiz Escudero pero hindi siya nag-ala Heart Evangelista.
Missing sa farewell episode ng Sunday All Stars sina Jennylyn Mercado at Aljur Abrenica.
May pictorial si Jennylyn para sa isang product endorsement kaya no-show siya sa SAS. Ang kanyang dyowa na si Dennis Trillo na lang ang nag-promote ng kanilang teleserye, ang My Faithful Husband.
Hindi ko pa naiimbestigahan kung bakit wala si Aljur sa farewell telecast ng SAS. Baka may previous commitment siya tulad ng dahilan niya sa hindi pagdalo sa Grand Fans Day ng GMA 7 noong July 26.
Inimbitahan sa huling episode ng SAS ang mga direktor ng Party Pilipinas at SOP.
Pinaunlakan naman nina Louie Ignacio, Rico Gutierrez, at Mark Reyes ang imbitasyon sa kanila.
Dumating din sa SAS studio ang mga executive ng GMA 7 para saksihan ang pamamaalam sa ere ng programa.
Ang Sunday PinaSaya ang ipapalit ng GMA 7 sa Sunday All Stars.
Ang APT Entertainment, Inc. ni Papa Tony Tuviera ang line producer ng Sunday All Stars.
Mga magagaling na komedyante ang mga host ng Sunday PinaSaya, sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, at Wally Bayola.
Co-hosts din nila sina Marian Rivera, Jerald Napoles, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, at Alden Richards.
Masuwerte sina Julie Anne, Barbie, at Alden dahil nawala man ang Sunday All Stars, kasali pa rin sila sa Sunday PinaSaya.
Lucky guy din si Jerald Napoles na unti-unti nang nakikilala. Bukod sa Sunday PinaSaya, mapapanood si Jerald bilang bading sa My Faithful Husband.
Lalaking-lalaki si Jerald pero mahusay siya sa kanyang bading role sa My Faithful Husband at pinatunayan ito ng production staff ng coming soon drama series ng Kapuso Network.