In a month or two ay malalaman na ng publiko kung sinu-sino ang mga tatakbo sa panguluhan at sa pagka-bise-presidente ganundin ang ibang slots sa pulitka.
Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw sa nilulutong tambalan nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero, na parehong popular para sa 2016 elections.
Marami ang aprubado sa Poe-Escudero tandem sa darating na presidential elections pero kailangang i-consider ang suporta ng isang partido at ang kanilang magiging makinarya.
Wala mang kumpirmasyon na nagmumula sa Malacañang, pero halatang nililigawan ni Pangulong Noynoy Aquino si Sen. Grace Poe na maging running mate ni DILG Sec. Mar Roxas na siyang manok ng administrasyon sa pagka-pangulo.
Definite na si Sen. Grace na hindi siya nakumbsinsing maging bise presidente ni Sec. Mar base sa kanyang mga interview.
Very close si Sen. Escudero sa pamilya ni Sen. Grace Poe laluna nung tumakbo sa pagka-pangulo ang yumaong ama ng senadora na si Fernando Poe, Jr. Si Sen. Chiz ang tumayong spokesperson ng yumaong Movie King. Ang pagkakaibigan ng Pamilya ni Sen. Grace Poe at ni Sen. Chiz ay patuloy hanggang ngayon laluna’t magkasama ang dalawa sa senado.
Pero bilang independent candidates, hindi nakasalalay sa kanilang pagkakaibigan kung anumang posisyon ang kanilang tatakbuhan sa 2016 elections.
Matuloy man o hindi ang tambalan nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero, hindi naman siguro matitinag ang kanilang pagkakaibigan.
Kapag natuloy ang kandidatura ni Sen. Grace either sa pagkapangulo o pagka-bise presidente, tiyak na magiging all-out din ang suporta sa kanya ng mga taga-industriya ganoon din ang mga tagahanga ng kanyang ever popular parents na sina FPJ at Susan Roces.
Hindi man artista o taga-showbiz ang binata ng mag-asawang Sen. Grace Poe at Neil Llamanzares na si Brian, nakikilala na rito ito ng publiko dahil siya’y nagmula sa isang showbiz royalty family.
Kung hindi pa sila nag-break ng ex-PBB (Pinoy Big Brother) grand winner at cosplayer na si Myrtle Sarroza, hindi malalaman ng publiko na naging sila. Pero ayaw nang mag-elaborate ni Brian hinggil dito.
Tulad ng kanyang ina, grounded si Brian at isa sa mga tumutulong sa kanyang ina sa senado.
Kung anuman daw ang magiging desisyon ng kanyang ina sa 2016 elections ay tiyak na 100% ang suporta ng kanilang pamilya.
Bituing Walang Ningning: The Musical may re-run!
Naibalita sa amin ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na magkakaroon ng re-run ang musical stage play na Bituing Walang Ningning sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa buwan ng Oktubre.
Dahil sa tagumpay ng musical play na Bituing Walang Ningning, nagdesisyon ang Viva at Resorts World na ulitin ito. At dahil na rin sa pagiging successful ng musical play, balak din gawing musical play ang iba pang mga classic hit movies ng Viva bilang suporta na rin sa OPM (Original Pilipino Music).