Depression nakakahawa Glydel hindi nakapagtrabaho sa pagluluksa

Na-depress ako nang tawagan ako ni Glydel Mercado sa telepono dahil hysterical siya habang nagkukukuwento tungkol sa pagkamatay ng kanyang pet dog na si Nigui.

Alam ni Glydel na dog lover ako, kaya ako ang tinawagan niya para mag-emote dahil kampante siya na maiintindihan ko ang sadness na kanyang nararamdaman.

Humahagulgol ng iyak si Glydel nang sabihin nito na natsugi na si Nigui pero na-revive ito kaya hindi niya inaasahan na tuluyan nang babawian ng buhay ang kanyang pet dog.

Ang sey ni Glydel, pamilya na ang turing nila kay Nigui kaya masakit na masakit ang kanyang pakiramdam. Sa sobrang pagluluksa ni Glydel, may isang event na hindi niya napuntahan.

Sa true lang, sumakit ang ulo ko at na-depress dahil parang lumipat sa akin ang depression ni Glydel na maka-recover agad sana mula sa kanyang nararamdaman na loneliness.

Sen. Grace hindi kayang ipagpalit sa iba si Sen. Chiz

“Noy wants me as Mar’s VP” ang banner story ng Philippine Star noong Miyerkules na kumpirmasyon na marami talaga ang nanunuyo kay Senator Grace Poe para maging running mate ng mga presidentiable at vice-presidentiable sa susunod na eleksyon.

Marami man ang nanliligaw kay Mama Grace, solid na solid pa rin ang samahan at friendship nila ni Senator Chiz Escudero na balitang-balita na tatakbo na bise-presidente niya sa 2016.

Consistent si Mama Grace sa pagsasabi na kung kakandidato siya, si Papa Chiz ang gusto niya na maging running mate dahil komportableng-komportable na sila sa isa’t isa at kapwa sila nanindigan para sa mabuting kapakanan ng bayan at ng mga Pilipino. 

“Matagal na kaming magkasama ni Senator Chiz. Noon pa mang tumakbo si FPJ, siya na ang pinagkatiwalaan ng aming pamilya,” ang madalas na sabihin ni Mama Grace.

Si Papa Chiz ang spokesman ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, ang partidong nagluklok sa ama ni Senator Grace na si Fernando Poe, Jr. bilang kandidato sa pagka-presidente noong 2004.

Malakas ang hatak sa masa ni Kuya Ron (FPJ) pero matinding batikos ang inabot niya mula sa iba’t ibang panig dahil sa mga bintang na walang political experience at isang high school dropout.

Kinuwestiyon din ang residency at citizenship ni Kuya Ron at dahil sa overacting na mga batikos, naging mailap ito sa media noong panahon ng kampanya.

Si Papa Chiz ang humarap sa media para kay Kuya Ron at siya ang sumasalag sa mga paninira ng mga kritiko sa ama ni Mama Grace.

Nang ma-comatose si Kuya Ron noong December 2004 dahil sa stroke at nakabantay sa ospital ang pamilya niya, si Papa Chiz at ang ilang kaalyado sa pulitika ang nagpatawag ng press conference sa Quezon City Sports Club para ipaliwanag ang kalagayan ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

“Hindi naman kaila sa lahat na malapit ang a­ming pamilya kay Senator Chiz. Noong 2004, siya ang kasa-kasama ng aking ama. Noong 2013 naman ay kami ang magkasamang umikot sa Pilipinas. Mala­ki ang naitulong ni Senator Chiz sa amin noon pa man,” ani Mama Grace.

Naniniwala  si Papa Chiz na kung anuman ang maging desisyon ni Mama Grace tungkol sa 2016, magiging matatag ito gaya ni Kuya Ron.

Show comments