MANILA, Philippines – Niyakap ng buong sambayanan ang pagdating ng bagong daytime teleserye ng ABS-CBN na Ningning na pinagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.
Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Lunes (Hulyo 27) kung kailan nanguna bilang pinakapinanood na daytime TV program sa bansa ang pilot episode ng Ningning taglay ang national TV rating na 19.9%.
Bukod sa TV ratings, namayagpag din ang teleserye sa social media sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang hashtag na #Ningning.
Samantala, panalo rin naman sa TV viewers ang Ultimate Test of Faith’ finale ng drama series na Oh My G na pinagbidahan ni Janella Salvador. Noong Biyernes (Hulyo 24), humataw ang pagtatapos nito ng national TV rating na 16.2%, kumpara sa nakuha ng dalawang kalaban nitong programa sa GMA.