Gerald excited agawin si Liza kay Enrique

Nakatakdang makasama si Gerald Anderson nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pelikulang Everyday I Love You. Una nang nagkasama sina Gerald at Enrique sa teleseryeng Budoy kaya magsisilbi itong reunion project ng dalawa. “It feels good for BJ and Budoy to reunite together,” bungad ni Enrique.

Si Gerald ang magsisilbing ka-love triangle ng LizQuen para sa bagong proyekto. “I’m excited kasi ngayon alam ko na ang pakiramdam ng third sa love team namin dati, and how they handle ‘yung criticisms, ‘yung fans. But ‘yung story na ito is very exciting,” pahayag naman ni Gerald.

Bea naging mas malakas na, na-realize kung paano maka-survive sa challenges

Sa August 12 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang The Love Affair na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Richard Gomez at Dawn Zulueta. Para kay Bea ay isa ito sa pinakamalaking pelikula na kanyang nagawa.

Nakaranas din ng maraming aksidente si Bea habang naghahanda para sa nasabing proyekto. “Kasi hindi naman ako athletic, hindi ako sporty. ‘Yung competitive sailing nagre-require siya ng ganung klaseng tao. Kailangan talagang listo ka, kailangan kaya mo na malakas ‘yung katawan mo. Eh ‘di ba lalamya-lamya ako,” natatawang pahayag ni Bea.

“Dalawang beses kasing nag-cap size ‘yung boat so tumaob siya. Una natama ‘yung katawan sa bakal na part. So nagkaroon ako ng maraming pasa. Na-E.R. (emergency room), sunod nag-cap size, tapos ‘yung head naman ang tinamaan. Talagang accident prone rin naman kasi ako. Sa mga kasama ko hindi naman nangyayari ‘yun. So naging suki ako ng E.R. for a while, pero parte siya ng training talaga,” natatawang kwento ni Bea.

Marami raw natutunan ang aktres dahil sa kanyang role sa pelikula. “Madami akong natutunan sa character ko sa totoo lang and madami rin akong na-realize na meron palang mga bagay sa buhay ko na hindi ko siya nade-define na gano’n ‘yung nangyari but because merong eksena na ginawa dito ng character ko. Na-realize ko na napagdaanan ko na pala ‘yun, na narating ko pala ‘yung rock bottom din. Maybe I was in denial. Kasi merong mga parte ng buhay natin na pa-strong tayo ‘di ba? Mas lalo kong na-realize kung paano ‘yung mga challenges na ‘yun in real life and kung paano ako naka-survive, and now I think I am a better person because those challenges,” paliwanag ni Bea.                                 

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments