SEEN: Well-dressed si Senator Nancy Binay sa SONA ni President Noynoy Aquino noong Lunes ngunit hindi pa rin siya pinaligtas ng mga basher na ginawang pahulaan ang tunay na kulay ng kanyang gown, black and blue o black and gold?
SCENE: Ang open letter kay Anthony Taberna na hinihimok ito na magsalita tungkol sa eskandalo na nagaganap sa Iglesia Ni Cristo dahil hindi siya nawawalan ng opinyon kapag may mga isyu at kontrobersya ang Simbahang Katoliko. Miyembro si Tunying ng INC at sariling desisyon niya na huwag magkomento tungkol sa INC scandal.
SEEN: May pahiwatig uli si Ted Failon sa Serve the People T-shirt na suot niya kahapon sa kanyang radio program sa dzMM. Isa si Failon sa mga broadcaster na hindi nangingimi na magsalita tungkol sa mga pagkakamali ng Aquino administration.
SCENE: Tumagal ng mahigit sa dalawang oras ang State of the Nation Address ni P-Noy at kasing-haba ito ng running time ng mga Hollywood movie na Ant-Man at Jurassic World.
SEEN: Ang pasasalamat ni Dawn Zulueta sa fashion designer na si Cary Santiago dahil napansin sa SONA ang kanyang Filipiniana gown.
SCENE: Ang foreign entourage ni Aiko Melendez sa anniversary party ng YES! magazine noong Lunes. Dinumog ng mga reporter si Aiko dahil kasama nito sa party ang foreigner na natsitsismis na bagong karelasyon niya.
SEEN: Hindi mukhang mayaman at may mantsa sa ngipin ang suplada na komento ng isang entertainment editor nang makita niya nang malapitan ang date ni Aiko Melendez.
SCENE: Backless ang blouse na suot ni Janice de Belen sa party ng YES! kaya na-display niya ang kanyang malaking tattoo sa likod.