MyREMIT pinarangalan ang sakripisyo at tagumpay ng mga tatay

MANILA, Philippines – Natapos man ang pagpaparangal sa mga haligi ng ta­ha­nan noong selebrasyon ng Father’s Day, patuloy naman ang pagbibigay-pugay ng ABS-CBN Global Ltd. sa pamamagitan ng remittance brand ng subsidiary nitong EMPI na TFC myREMIT. Sa vi­deo tribute na My Dad’s 15 Years, ipinapakita ng TFC myREMIT ang isang pangkaraniwang ama na sumasagisag sa mga haligi ng tahanan na nagtratrabaho sa ibang bansa.

Ang four-minute video ay bahagi ng ika-15 anibersaryo ng TFC myREMIT na naglilingkod sa mga overseas Filipinos (OFs). Maka­buluhan ang selebrasyon dahil pinaparangalan ng re­mit­tance brand ang bawat taon ng pagtatrabaho, pagsasakripisyo, at pagpupursige ng bawat OF sa ibang bansa.

Ayon kay Eric Martin Santos, EMPI Global Marketing Remittance Head, “Ang ‘My Dad’s 15 Years’ ay hindi lamang isang pagtatala ng taon kung gaano na sila katagal sa ibang bansa kung hindi ang kanilang oras na binubuno para sa sari­ling mga pa­­ngarap, sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at pagkakataong makatulong sa kapwa.”

Dagdag niya, “Base sa mga feedback na nakukuha namin, marami ang naantig kung paano namin naibahagi ng maa­yos ang kanilang buhay OFW na minsa’y masaya at minsa’y malungkot, lalo na para sa mga amang may naiwang pamilya.”

Simula noong 2000, sinusubukan na ng TFC myREMIT na ma­palapit sa mga OFs sa U.S., Canada, at Europe sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga opisina nito sa mga natu­rang bansa.  Bukod sa presensya, patuloy ito sa pag-iisip ng paraan upang magawang mabilis, abot-kaya, at kaaya-aya ang kanilang pagreremit tulad ng myREMIT One at Remit-A-Gift services. Pinaigting din nito ang ser­bisyo nito tulad ng pagbibigay-parangal sa mga OFs na napagta­gumpayan ang kanilang buhay overseas at tumulong sa kanilang kapwa, pamilya, at bansa, bilang pasasalamat sa kanilang mga nakamtan.

Sa ika-15 na anibersaryo nito, hatid nito ang video tri­bute na nag­papakita ng isang amang gagawin ang lahat para sa kanyang pa­mil­ya. Pinapakita rin ng video kung paano nag­sasakri­pisyo ang ama para sa ikabubuti ng kalagayan ng anak. Bago siya umalis sa trabaho, makikita ang amang nagpa­paalam sa isang eksenang aantig sa puso ng mga Pinoy, lalo na sa mga may mahal sa buhay sa ibang bansa. Sa pagtatapos ng video, makikitang ang anak naman ang umaalalay sa amang umuwi na mula sa taong nawalay sa pamilya.

Ang video ay nilikha ng Marketing Communications Team ng Global na kinabibilangan nina Jay Santiago, Audie Avecilla Riola, Jocelyn Mendiola, Charles Bautista, Jed Segovia, Cristina Verano, Francis Lua, Rowena Lucero, Paz Valera, at Cayla Ursabia na may pangangasiwa ng ABS-CBN Global Ltd. Head of Marketing Services Pamela Castillo at ABS-CBN Corporation Head Creative Communications Management na si Roberto Labayen.

Show comments