Anak ni Whitney Houston namatay na rin

Nagluluksa  ang fans ng singer na si Whitney Houston dahil sa pagpanaw ng kanyang anak na si Bobbi Kristina Brown.

Ilang buwan nang comatose ang 22-year-old daughter ni Whitney mula nang matagpuan siya na nakalublob sa bathtub ng bahay niya sa Atlanta noong January 2015.

Naging masalimuot ang buhay ng bagets nang mamatay si Whitney noong February 2012. Very close sa isa’t isa ang mag-ina kaya hindi matanggap ni Bobbi ang pagkamatay ni Whitney na natagpuan din na walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Beverly Hills, California.

Naglabas ng official statement ang pamilya ni Brown tungkol sa kanyang pagpanaw: “Bobbi Kristina Brown passed away Sunday, July, 26 2015, surrounded by her family.

“She is finally at peace in the arms of God. We want to again thank everyone for their tremendous amount of love and support during these last few months.”

Sex scandal ni Wally nakalimutan na

Marami na pala talaga ang sumusubaybay sa live teleserye ng Eat Bulaga starring Alden Richards at Yaya Dub.

In fairness, puwede nang writer ng mga teleserye ang mga writer ng Eat Bulaga dahil nabibigyan nila ng twist ang love story ng loveteam ng AlDub.

Laugh trip ang mga nanood kahapon ng Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga dahil sa eksena ng riding in tandem na umagaw ng libro na hawak ni Lola Nidora na naglalaman ng mga sikreto ni Alden.

Si Lola Nidora ang karakter ni Wally Bayola na against sa namumuo na love affair nina Alden at Yaya Dub.

Dumanas ng krisis ang career ni Wally nang kumalat ang sex video nila ng isang dancer.

Matagal na hindi napanood si Wally sa Eat Bulaga at nawalan siya ng isang regular TV show dahil sa sex video scandal.

Nang pabalikin si Wally sa Eat Bulaga, umiiyak siya na humingi ng tawad sa Eat Bulaga at sa tele­viewers nito.

Dahil sa funny character niya bilang Lola Nidora, nakalimutan na ng publiko ang eskandalo na kinasangkutan ni Wally.

Kapuso fans day matagumpay, dinagsa ng tao

Tagumpay ang grand fans day ng GMA 7 sa Mall of Asia Arena noong Linggo dahil dinagsa ito ng fans.

Inabot nang gabi ang bonggang event ng Kapuso Network dahil kumpleto ang attendance ng GMA 7 stars. May participation ang audience dahil kasali sila sa raffle draw at ibang activities.

Walang umuwi na malungkot dahil nag-enjoy sila sa mga production number na inihanda ng Kapuso stars.

Hindi dapat malungkot ang mga hindi nakarating sa MOA Arena dahil malaki ang chance na ipalalabas ng GMA 7 sa TV ang grand fans day. Hintayin n’yo na lang ang announcement ng inyong favorite Kapuso station.

Ilang programa hindi napanood dahil kay P-Noy

Hindi napanood kahapon ang ilang mga teleserye ng GMA 7 dahil sa live coverage ng State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy.

Hindi natuloy ang pilot telecast ng Buena Familia at hindi rin umere ang Healing Hearts dahil sa SONA.

Tinapos lang ng GMA 7 ang The Half Sisters at eksaktong 3 p.m., ipinasok na nila sina Mama Mel Tiangco at Papa Mike Enriquez para sa SONA coverage.

Pero tuloy na tuloy na ngayong hapon, pagkatapos ng The Half Sisters, ang airing ng unang episode ng Buena Familia.

Show comments