Wish Ko Lang hindi inerespeto si Aida Roxas!

Seen: Insensitive at naging exploiter ang staff ng Wish Ko Lang dahil ipinakita nila nang paulit-ulit sa episode noong Sabado ang pagdapo ng langaw sa katawan ng dating aktres na si Aida Roxas na bedridden dahil sa karamdaman niya.

Scene: Tinalikuran ni Aida Roxas ang pag-aartista noong dekada ’60 upang mag-madre ngunit nabaliw siya. Namatay si Roxas noong B­iyernes, ang bisperas ng airing sa Wish Ko Lang ng kanyang tragic life story.

Seen: Insensitive ang indie film director na mahilig gumawa ng gay films dahil sa kanyang pahayag na AIDS ang ikinamatay ni Jimboy Salazar. Itinanggi ni Jimboy hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay na may AIDS siya.

Scene: Nagpapasalamat si Julie Anne San Jose dahil walang ba­sher ang loveteam nila ni Jake Vargas. Si Jake ang kapareha ni Julie Anne sa Buena Familia, ang bagong afternoon soap ng GMA 7 na mapapanood simula ngayong hapon.

Seen: Ngayong gabi ang grand presscon ng The Love Affair, ang Star Cinema movie na tinatampukan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo. Kagagaling lamang ni Richard mula sa family vacation nila sa Switzerland.

Scene: Ang Your Love ang theme song ng The Love Affair. Si Arnel Pineda ang kumanta ng theme song ng Richard-Dawn-Bea starrer.

Seen: Ang Triangulo na inawit nina Jeric Medina, Thyro Alfaro, at Yumi Lacsamana ang grand winner sa 4th PhilPop na ginanap noong Sabado sa Meralco Theater. Sina Thyro at Yumi ang mga composer ng Dati, ang grand prize winner sa 2nd PhilPop noong 2013. Mga interpreter ng Dati sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.

Scene: People’s Choice Award at 2nd runner-up sa 4th Philpop ang Sa Ibang Mundo na inawit nina Nadine Lustre at Kean Cipriano. First runner-up ang Paratingin Mo Siya ni Davey Langit at Best Music Video ang Edge of the World na kinanta nina Yassi Pressman at Josh Padilla.

Show comments