^

PSN Showbiz

Gladys nagsalita na sa plano sa INC

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi mapapanood ngayong araw ang pilot episode ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Buena Familia dahil ibibigay ang time slot nito sa huling SONA ng ating pangulong Noynoy Aquino.

Bukas na ito magsisimula, at ilang beses sinasabi ni Kylie Padilla na dito siya sa Buena Familia sobrang na-inspire dahil kuwento ng pamilya.

Nami-miss na raw ni Kylie ang buong pamilya dahil nagkakawatak-watak na sila.

Minsan ay nami-miss daw niya ang Mommy at Daddy niya. Kaya kahit papaano, sa mga eksena niya sa Buena Familia inilalabas ang pangungulila sa kanyang pamilya.

PAK: Iba talaga kung magmahal ang fans ni Daniel Padilla. Nasaksihan namin ito nung kamakalawa ng hapon, kung saan nagtiis talaga sila sa paghihintay sa Teen King.

Si Daniel ang nag-iisang celebrity endorser na rumampa sa bagong Bench Fix Styling Tools.

Alas-kuwatro pa lang ng hapon ay dagsa na ang fans sa Acitivity Center ng Trinoma, at hindi talaga sila umalis hanggang sa pagdating ni Daniel na halos alas-otso na ng gabi.

Na-trap si Daniel sa matinding trapik sa Quezon City kaya sobrang late itong dumating sa Trinoma.

Kahit pagod na ang fans sa paghihintay, nawala itong lahat nang nakita na nila si Daniel.         

Doon na rin sa event ng Bench Fix Styling Tools nagpahayag si Daniel na hindi raw siya naninigarilyo. Ito kasi ang ini-imply ng ilang bloggers dahil sa nakunan itong nagbi-Vape. Vapor lang daw iyun, pero hindi raw siya naninigarilyo.

BOOM: Kasabay ng 101st Anniversary ng Iglesia ni Cristo, nag-emote si Gladys Reyes sa kanyang Instagram account na nagbigay ng kanyang saloobin sa pinagdaraanan ngayon ng INC.

Aniya; “Ako’y Iglesia ni Cristo…Dahil sa kaabalahan sa teyping ng serye, pagrerebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), kabi-kabilang pulong bilang ‘executive producer’ para sa a­king programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon at higit sa lahat oras para sa asawa at aking tatlong mga anak ay hindi ako nagkaron ng pagkakataong maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC.

“Sa aking mga katrabaho at ‘kaibigan’ sa tunay na kahulugan ng salitang iyun, maging hindi ko personal na kakilala, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamahal, simpatiya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!

“Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa. Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya. Sa mga  ganitong panahon, wag tayong manghina, wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin.

“Pakatandaan po natin sa Diyos tayo naglilingkod at hindi sa tao.

“Ako’y Iglesia ni Cristo…mananatili at maninindigan!”

ACIRC

ACITIVITY CENTER

ANG

BENCH FIX STYLING TOOLS

BUENA FAMILIA

CRISTO

DANIEL PADILLA

GLADYS REYES

HINDI

KYLIE PADILLA

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with